Marahil, isa sa mga pinaka malaking nahita ko sa madalas na
di paglabas ng bahay at paggawa ng mga bagay na halos di ko akalaing
matatagalan kong gawin ay ang matuto at tila ba ay maging dalubhasa sa
pagtimpla. Pagtimpla na hindi magawang gamitin sa pagluluto bagkus ay pagtimpla
ng mga reaksyong wari bang normal at nakaprograma na sa mga utak ng tao. Biruin
mu yun!? Na kahit na ang pinaka walang kwentang buhay sa mundo pala ay may
tinataguring mga kaalaman kung pagtutuunan lang ng pansin. Isa sa mga pinaka malaking
nadiskubre ko nitong mga nakaraang araw ay ang problema ng mga karaniwang tao;
Bukod sa pera isa lang naman ang talagang pinoproblema ng mga tao mapa-paksa
man sa radio mga palabas sa tv at sa karamihan ng mga babasahin sa merkadp
particular na yung mga pocket book na madalas na hawak ng mga kapitbahay namin…
yun eh ang kani-kanilang buhay pag-ibig.
Hindi ko man maintindihan kung saan nanggagaling ang takot
ng karamihan na maiwang mag-isa at mawalang ng kapareha sa buhay, eh tila
mahahanap ko naman parati ang sarili kong nakikinig at nagbibigay ng simpatya
sa kanila, bagamat sa isip-isp ko’y mukhang malabo ko namang maranasan ang
katulad na sitwasyon gaya sa kanila. Sa dami na ata ng mga napakinggan ko sa
radyong mga caller na nag-uumiyak dahil hindi daw makapag-move on kuno, sa mga
napanuod kong mga teleseryeng laging may against all odds na tema at idagdag mo
pa ang mga nababasa kong status sa facebook ng mga taong naglalabas ng
hinanakit at maging ilusyong magugustuhan din sila ng mga taong wala naman ni
katiting na pakialam sa kanila ay tila na memorya ko na kung anu-anong mga
emosyon at reaksyon ang dapat ilabas ng mga taong possibleng mahantong sa mga
kahawig na sitwasyon.
Para sa mga taong hindi daw makapag-move on- karamihan ng mga
taong tumatawag sa mga radio station sa ngayon eh ganito ang problema. Sa una
ipagpipilitan pa nila na medyo nakapag-move na daw sila, sabay iiyak at magpapakabitter
kapag may nakapag-paalala ng mga nakaraan nila kasama ang mga ex nila.
Karamihan sa mga ganito ay lilinya pa ng…. hindi ko ata kaya ng wala sya… pano
nalang yung mga pinaplano namin… alam ko mahal parin nya ko… at hindi ko na ata
kayang burahin sya sa isip ko. Kung ako yung nagpapayo sa radio tulad nila DJ
Chacha, Papa Jack at Chico Loko malamang ay irerecord ko nalang ang iisang payo
pa para sa kanila. Simple lang naman ang payo para sa mga ganyang kadramahan sa
buhay, “kung hindi mo kaya mabuhay ng wala siya edi magpakamatay ka! Ngayon
kung matatauhan kang mas mataas ang value ng buhay mo kesa sa tao na yun then
congratulation! Dahi malamang eh mababasa mo pa ulit tong blog ko at malamang
eh makakatawag ka pa ulit sa radio para makapagshare ng mga mas latest mong
experiences with other people”. Simple lang naman ang remedy para sa mga broken
hearted eh, at iyon ay ang isiping nakaya mong mabuhay at maging masaya noong
mga panahon ikaw lang mag-isa at side dish nalang ang saying idinudulot sayo ng
iba.
Para sa mga taong may gusto sa mga taong di naman interesado sa kanila-
madalas ay problema ng mga kababaihan ang mga ganitong scenario, malas lang
kasi nila dahil di naman ganung tanggap sa Pilipinas at sa karamihan ng mga
bansa sa mundo na ang babae ang syang nanliligaw sa mga lalaking gusto nila.
Kaya nga di ba’t karamihan sa mga tema ng mga teleserye ngayon at maging ng mga
asianovela eh laging inaambisyon ng mga babaeng “no boyfriend since birth” yung
mga lalaking gustong- gusto nila, pero
sa bawat ending eh laging nagbabago yung buong pagkatao ng babae bago sila
magustuhan ng mga bidang lalaki in short yung mga lalaki parin ang tanging may
prebilehiyong mamili ng klase ng mga gusto nilang makarelasyon. Sabi nila, kung
may tiyaga daw ay laging may nilaga pero sa kasamaang palad, ang pag-ibig lang
ata ang isa sa maraming bagay sa mundo na di kadalasang nakukuha sa tiyaga at
walang hilig sa nilaga. Minsan may isang babaeng matapang na nagsabi sa isang
lalaki ng nararamdaman nito sa kanya. Nagumpisa lang ang mga pagtatapat na iyon
sa text, kung minsan ay magtetext ng mahal kita pero sa ibang lenggwahe o dayalektong
ang babae ito sa pag-aakalang hindi alam nung lalaki ang ibig sabihin nito.
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya eh sa mga social media ang mga
sumunod niyang pagtatapat merong sa e-mail, multiply,friendster,facebook at
maging sa skype.Pero sa kasamaang palad eh NR(No Reaction)ang lalake sa lahat
ng effort nya. Kung ikaw yung lalaki, anu kaya ang mararamdaman mo? Manliliit
ka ba at mapapaisip kung mukha ka na bang
sisiw na ubod ng duwag sa puntong mismong bulate na ng lumalapit sa iyo
para magpatuka? O magiging proud ka pa sa sarili mo dahil hindi na nakakatiis
ang mga kababaihan na ipagtapat nila sayo ang nararamdaman nila dahil sa
sobrang kagwapuhan mo? ... hehe magiilusyon ka pa ba? Alam mo naman yung tunay
na sagot diba? Alam kong hindi talaga madali ang magpakatotoo sa sarili lalo na
sa mga taong tila ba nabubuhay sa sarili lang nila hangin, ngunit dapat din
siguro nating tandaan na hindi lahat ng bagay ay ginawa ng Diyos ng magkatugma.
Hindi dahil sa nagkagusto ka sa isang tao eh magkakagusto na rin siya sayo at
lalong hindi porket may ilan na tila ba dinuduyan ng pag-ibig dahil sa
pagkakatagpo nila ng kanilang kapareha ay mangyayare na rin iyon sa mga
relasyon mo kung magkakaroon ka man. Nakakalungkot mang isipin at tanggapin ,
matututo tayong mabuhay sa reyalidad at rasyonalismo. Matutong wag laging
umaasa at magpaasa ng hindi makapanakit at masaktan ng iba.
Para sa mga taong nasasaktang makita na masaya ang mga dating
nakarelasyon nila sa piling ng iba – Sabi ng mga matatanda eh, ‘’wag
mong bibitawan ang mga bagay na di mo kayang makitang nasa kamay ng iba”.
Marahil ay may punto ang matatanda nang sabihin nila ang mga katagang iyon,
pero pano mo naman kaya pipilitin pang hawakan ang isang bagay na tila apoy na
sa init at patuloy kang sinasaktan? Isang bagay ang madalas nating hindi nakikita
sa patuloy na pagpintig ng ating mga pulso sa ibabaw ng mundo, “Walang lugar
ang equality sa reyalidad ng buhay sa ibabaw ng mundo”. Bagamat tila sampal sa
mukha ang makitang nagsasaya ang ilan sa mga bagay na minsan mong binitiwan ay
wala ka pa ring ibang magagawa kung hindi magpatuloy sa sarili mong buhay. Sa
kasamaang palad, hindi naman kasi makikisabay ang mundo sa mga panghihinayang
mo at pipiliting umikot ng pabaliktad para lang sayo. Sadyang walang gamot para
sa sugat na nilikha ng emosyon, sabi nga nila hindi kaylanman nakukuhang maghilom
ng mga sugat na gawa ng ating emosyon
bagkus natututunan lang nating masanay sa sakit at mabuhay ng
yakap-yakap ito na tila normal lang.Kung makukuha lang sana sa isang band aid
ang lahat ng sakit na dulot ng minsang pagmamahal edi sana eh out of stock na
lahat ng band aids sa buong Pilipinas. Pag-aralang hanapin ang kaligayan sa
sarili at wag sa ibang tao, sa ganitong paraan ay matututunan mo rin ang makapagbahagi
ng kaligayan sa ibang tao. Buti nalang at unlimited ang tsansa nating humanap
ng mamahalin! Kaya maswerte ka pa rin J.
Para sa mga tanong hanggang pangarap nalang ang lovestory- Ito
na siguro ang pinakamasaklap na scenario na maaaring danasin ng isang tao.
Maraming dahilan kung bakit humahantong sa ganitong sitwasyon ang isang tao.
Maaring masyadong ginampanan ng taong ito ang titulong “Pasan Ko ang Daigdig”
at di na gawang pagtoonan ng pasin ang sariling buhay dahil sa pagtustos sa
pamilya, pwede rin namang masyado lang naging mapili ang taong ito na tila ba
wala ng nakapantay sa kagandahan o kagwapuhan niya, possible ding nagnanais na
magbida sa sarili niyang pelikula ang taong ito at nagiilusyon sya na may tao
siyang hinihintay na laan kuno sa kanya(isang prinsipeng nakasakay sa kabayo sa
mga babae at isang sassy girl naman para sa mga lalaki) at huling posibleng
dahilan ay kung nabibilang sa third sex ang taong ito at hindi man lang niya
nagawang aminin ang buong katotohanan sa sarili nya kaya ayun! Puro pag
aambisyon nalang ang nangyari sa buhay nila, kung baga sa tunay na buhay may
script ngang nakahanda wala namang produksyong bubuo ng naturang pelikula.
Hindi ko na alam kung papaano ko tatapusin ang kwentong ito
pwede kasing may mga di pa ko nasama at nakalimutan ko lang banggitin sa
ngayon. Dahil dito masasabi ko munang ito na siguro ang parting magcocomercial
break muna.