Monday, November 27, 2017

“ANG PAGTATAPOS”
Pete Cayzhart B. Arcenal . LPT

Umiikot ang tao sa mundong ginawang may balanse. Bagamat unti-unti nang nagawan ng tao ng paraan upang maikubli ang balanseng ito upang paboran ang ilang mga pampersonal na interes, tunay na di makakailang lumilitaw parin ang totoong halaga ng mga bagay-bagay pagdaan ng panahon. Sinong may higit na superyoridad upang ariing siya ang makapaglalahad ng kung ano ang tama sa mali kung ang lahat sa atin ay may mabigat na argumentong nagkukubli sa ating mga pansariling baling paniniwala? Ito ay isang palalahad ng masalimuot na siklo ng kamalian at kabutihan, isang karanasang maglalabas ng mga pagkakataong kinakailangang mamili, isang istoryang pilit na lang sanang ikinukubli.
                Alas kwatro ng umaga, tulad ng dati ay nauna nanaman akong magising kaysa sa pagtunog ng alarm clock na isinet ko ng alas kwatro. Payapa ang lahat, sa ganitong mga pagkakataon ay pakiramdam ko’y pansamantalang nabubura ang lahat ng bigat na mayroon sa mundo, namamahinga ang lahat pati na ang mga problemang araw-araw na humahabol sa akin, sana’y ganito nalang ang buong araw, sanay ganito nalang. Tulad ng dati, kinakailangan kong makaalis ng bahay  bago ang alas singko, magbasa ng kaunti at maghanda ng maibabaong pangnahalian para sa trabaho. Ganito ang simula ng araw-araw ko mula Lunes hangang Sabado. Sa trabaho, tila magandang pampalubag loob at pampagaan ng pakiramdam ang paulit ulit na pagbati ng “Magandang Araw” ganito sila madalas kahit doon sa isa kong trabaho. Oo, dalawa ang trabaho ko, sa umaga mula alas sais hangang alas onse ay nasa Maynila ako nagtatrabaho at pagdating ng alas dose hangang alas sais ng gabi ay nasa Bulacan naman ako. Mula sa oras ng aking trabaho ay madaling mamabatid kung anung pinagkakaabalahan ko sa araw-araw; isang trabahong punung-puno ng mataas na espektasyon, moralidad at obligasyon; isang hanapbuhay na naglalagay sa akin sa gitna ng mga matang tila ba’y nagaantay lamang mga pagkakamaling aking gagawin.
                Sa totoo lang, ay hindi ko naman dapat sana kinakailangang pumasok sa dalawang trabaho; wala pa naman akong asawa, at wala rin naman akong gaanong pinakakagastusan. Nagkataon lang na nung nakaraang taon kasi ay nadiagnos ng sakit sa kidney si tatay, kinailangan nyang huminto sa trabaho at magpagamot sa doctor ng regular. Bilang ako nalang ang walang sariling pamilya sa aming magkakapatid, ako na rin ang naatangan ng obligasyon upang pangalagaan sina tatay at nanay. Medyo mahal ang pagpapagamot ni tatay kung kaya naman kailangan kong magdoble kayod upang makaraos kami. Oo, nakakapagod ang byahe ko sa araw, nakakaubos ng lakas ang mga gawiin ko sa aking trabaho subalit ang mas malaking nagpapahirap sa aking sa bawat araw ay ang makitang unti-unti ng ginugupo ng karamdaman ang haligi ng aming tahanan.
                Nitong mga huling taon ang di makakailang nakaapekto na ito sa aking propesyon, maraming mga di magandang komento ang naibato sa akin sa kabila ng mas maraming pagkakataong pinilit kong maging mabuti sa aking trabaho. Narayang mabansagan akong “Palitaw” ng aking mga kasamahan dahil sa dalas kong lumiban sa trabaho, madalas din akong mabigyan ng memo dahil sa maraming pagkakataong nahuli ako sa oras ng pagpasok sa trabaho, masabon ng aming Superior dahil sa di pagpapasa ng Lesson Plan at maeskandalo ng mga katrabaho dahil sa ilang mga utang na hindi na nagawang bayaran. Marahil ay ako na yung tipikal na stereotype ng teacher na nababasa ng karamihan sa mga tabloid, baon sa utang, di magkandaugaga sa paghanap ng sideline at madalas na nakasangla ang ATM sa mga loan sharks. “Ayos lang ito” madalas na pagkumbinsi ko sa aking sarili, para mairaos ang lahat ng pangangailangan namin sa bahay ay maliit na sakripisyo lamang ang mga ito. Kaya ko pa naman, kaya ko pang lunukin at magbingibingihan sa lahat ng mga lait at pangmamatang madalas kong natatanggap.
                Nitong mga nakaraang buwan na marahil ang pinakamahirap na pagkakataon para sa akin. Halos apat na libo nalang ang sinasahod ko sa isang buwan, nagkasamaan na kami ng loob ng aking mga katrabaho dahil sa utang na di mabayaran, ni hindi na ako makakuha ng maayos na marka sa performance rating dahil sa dami ng trabahong di nagawa at halos di na rin ako makapagcomply sa mga forms na kailangan naming ipasa ukol sa aming trabaho. Literal na nalunod sa sistema, nawalan ng gana at halos nawalan na ng kwenta. Pero ang isa talaga sa mga labis na nakasakit sa akin nitong mga nakaraang buwan ay ang tila pagsampal sa akin ng katotoohanan ukol sa kung papaano na ako tignan ng aking mga magaaral. Bagamat meron pa rin namang mga naunang batch ng aking mga estudyante ang patuloy na nakakaalala ng aking galing sa pagtuturo at buti bilang isang guro, tila mabilis naman itong nabura at binigyan ng bagong mga deskripsyon ng mga nagdaang panahon. “Tamad yan magturo, Wala yang pakialam sa mga estudyante nya, Nanghuhula lang yan ng grade, at higit sa lahat … “KURAKOT ang teacher na yan” ito ang mga katagang mabilis na naiukit sa akin bilang isa guro , malayo sa pakakakilala sa akin noong mga unang taon ko sa pagtuturo. Marahil ay sadyang natutunan naman  ang lahat ng bagay, natutunan ko ng maging bingi sa mga bulong bulangan  tungkol sa akin, sa mga pagkakataong nagagamit ang pangalan ko bilang halimbawa ng mga gurong madalas mangolekta ng pera sa aking mga magaaral, isang gurong laging huli sa klase, isang gurong nanghuhula na lang ng marka ng aking mga magaaral, isang gurong mahilig manakit ng mga magaaral at madalas mareklamo ng mga magulang, isang gurong madalas masabihang: “Ano ba yan bakit naging teacher pa yang tao na yan?”. Ito na marahil yung isa sa pinakamabigat na bitbitin ko sa araw-araw na kailangan kong dalhin habang pinipilit na magpatuloy sa buhay. Kailangan ko parin magpatuloy, ano man ang mangyari ay papsok parin ako sa trabaho, hindi ako hihinto, hindi ako magpapaapekto, kailangan kong gawin ito… Kailangan… Hindi ako maaring huminto. Bagamat halos kainin na ako ng lupa sa bawat pagkakataon may maririnig akong mga magulang na masayang pinagtsitsismisan ang aking mga kamalian, pinipilit ko paring pumasok sa trabaho. Kahit pa halos hindi na naniniwala ang mga estudyanteng kaharap ko sa loob ng klase sa mga bagay na ibinabahagi ko sa loob ng  room ay papasok pa rin ako. Kahit pa paulit ulit akong isuka ng propesyong ito, ay patuloy ko paring ikikiclaim na “Teacher Ako!”… hindi man ako ang depinisyon ng propesyong ito, naniniwala parin akong para parin sa akin ang mga katagang ito: “Teacher Ako!”.
                Hindi ko alam kung anong meron sa araw na ito pero tila ba’y napakaespesyal ng araw na ito para sa akin. Maliwanag ang buong paligid at payapa ang lahat, makakaamoy ka ng mga mababangong bulaklak sa paligid at tila ba’y wala problema ang lahat. Narinig ko ang mga kasamahan ko sa trabaho na pinagkukwentuhan kung papaano ako nakapagpanalo ng mga estudyante namin sa isang National Competition, nakakatuwang marinig sa kanila kung papaano ako nagpamalas ng galing sa pagbabago ng buhay ng ilang mga kabataang hindi ko sinukuan, mga kabataang minsan kong inaring akin, tinulong sa maliit na paraan at binago ang buhay at nabigyang direksyon. May ilang mga magulang din akong nakitang nagtsitsismisan; di tulad ng dati, ang paksa ng kanilang mga usapan ay kung papaano ako nakatulong sa kanilang mga anak, may ilang pagpapasalamat para sa mga pagkakataong naipadama ko sa kani-kanilang mga anak ang pag-unawang higit pa sa propesyon ko sa pagtuturo. Sadyang nakakapanibago. Maya-maya pa’y may napansin akong mga pamilyar na mga mukha; “Sila De Guzman na ba iyon?” isang grupo ng mga pormal na kalalakihang mahahalata mong may sinasabi na sa lipunan, may maayos na trabaho at magaganda ang buhay. Punong-puno sila ng pagpapasalamat at nag-abot din ng tulong para sa pagpapagamot ng aking ama. Marami silang mga kwento ukol sa kung ano-ano mga bagay ang madalas nilang ginagawa sa klase ko, pag mamalaking parte daw ako ng kung ano mang buhay ang meron sila ngayon, nakakatuwa, kahit papaano ay naramdaman kong may tama parin naman pala akong nagawa sa mundo… nakakatuwa. Nais kong lumuha dahil sa tuwa pero dahil sa di ko alam na rason eh tila walang lumalabas na luha sa aking mga mata, gusto kong isigaw ang aking pasasalamat sa kanila pero hindi ko na rin nagawa. Maya-maya pa’y may mga grupo naman ng estudyante akong nakita, tila malulungkot ang mukha nila at ang iba’y umiiyak pa nga. Teka… hind ba’t advisory  class  ko ang grupo ng mga kabataang iyon? Pero bakit sila umiiyak? Bakit tila sobrang lambing at ang babait nila ngayon? Bakit ngayon ko nakitang kahit papaano’y nauuwaan din naman pala nila ko ako? Hindi ko maipaliwanag kung ano nga ba ang mayroon sa araw na ito tila ba sobrang espesyal ng araw na ito para sa akin, punong puno ng papuri, pasasalamat at pagtatangi ang araw na ito. Gusto kong umiyak at suklian ang lahat ng kanilang mga mabubuting salita, gusto kong ipaliwanag na kailangan man may di ako nagtanim ng galit sa bawat pagkakataong mas nakikita nila ang mga bagay na hindi ko nagawa kaysa sa mga nagawa ko na, gusto kong sabihin sa kanila na isa sila sa mga naging dahilan ng aking lakas sa araw-araw, na kung hindi dahil sa mga di magagandang komento nila ay hindi ako magkakaroon ng rason para magpatuloy sa buhay… gusto kong sabihin sa kanila ang lahat ng ito pero hindi ko nagawa.

                Isa lang ang nabatid ko sa araw na ito, walang tunay na buti sa mundo. Mas una parin nating makikita ang isang mali sa gitna ng isang libong tama. Mas inuuna nating ang paghanap ng mga wala kesa sa pagkilala sa mga mayroon. Mas nagiging mapang-unawa lamang tayo kapag huli na at wala ng pagkakataon. Sayang lang, huli ko ng nalaman ang sikreto para marinig ang mga gusto kong marinig, para punan ang aking mga pagkukulang… para magmukhang tama ang aking mali. Itong malapad na salamin lang pala sa ibabaw ng aking mukhang ang makapagpapabago ng lahat, magpupuno sa akin ng papuri sa kabila ng aking kawalan na ng kakayahang magsalita at muling masilayan ang mabubuti nilang gawa.

Wednesday, May 14, 2014

18 Days of Being Masukista

Life is a never ending chase towards greatness, and to be great one must do something that the crowd never imagined doing and always choosing to be at your best effort at times when everybody else had chosen to stop”





                Hindi ko alam kung bakit sa inbersidad na ito ako dinala ng aking mga paa; siguro iyon na ata yung tinatawag nilang “DESTINY”. Ang totoo’y ang plano ko lang talaga ay matry na magbuhay studyanteng muli, mastress pagrereview, makakilala ng mga bagong kaklase, makakita ng mga bagong bagay na magpapahanga sa akin at maupo sa harap ng pisara hanggang sa uminit ang aking puwetan.

DAY 1
                Mahirap talagang mag-aral sa malayong lugar, bukod sa kailangan mong gumising ng maaga ay marami ka ring factors na icoconsider para hindi ka malate (tulad ng pila sa LRT, traffic sa kanto, mabagal na driver, gahaman na driver at atmospheric situation). Parang hilong talilong na ko nung unang klase ko sa first day, kaso wala naman akong choice kung icompose ang sarili ko dahil wala pa kong kakilala at all (all by myself lang ang peg haha). Mahirap din piliting magpakaseryoso kahit hindi naman talaga piling ko kasi lahat sila ay seryoso,,, ADVANCED STATISTICS ang una kong subject yun lang kasi ang pamilyar na subject sa kabuuan ng prospectus namin kaya yun ang kinuha ko.
                OK, naman yung klase, may mga nakajive din naman ako agad na mga kaedaran ko sa first daw palang. Nawindang lang ako sa kalakaran ng first class hindi ko inaakalang pede palang ipaassignment ang summary ng isang libro, at wala akng karapatang umangal dahil parang normal lang naman yung ganun sa mga kasama ko sa room. Dahil wala naman akong choice eh nakisunod nalang akong sa tingin ko naman ay kakayanin ko kaya go lang ng go!
                Ang nakalimutan ko lang nung araw na yun ay may isa papala kong subject, kaya yung akala kong kakayanin ko na eh parang hindi na pala. Halos matunay naman sa concepts yung next class ko, yung tipong yung mga akala todo na sa turo ay hindi pala. Sa isang banda ay natuwa pa rin naman ako, kasi ngayon ko nalang ulit naranasan na mabombard ng todo-todo sa concepts nakakatuwang nakakabaliw yung feeling haha.
                Ang ending,,, plakda ako pagdating sa bahay naming. Pagod sa byahe, drained mentally at feeling ko ay sumagad hanggang microfilaments ko yung pressure. Pero wala akong ibang choice may pasok pa bukas at maraming beses ko pa kailangang gawin ito.


STRUGGLE DAYS:

                Lutang ako ng mga sumunod na araw, although nakakasabay naman ako sa agos eh parang hindi ko naman maramdaman yung sarili ko nung mga sumunod na mga araw. Isa sa mga di ko malilimutan nung mga panahon nay un ay yung lecture naming sa Environmental Science. NAPARAMING CCONCEPTS!, sa dami nun ay parang kailangan ko ng spare na utak pangreserba if ever na sumuko yung isa ay  may matitira pa sakin. Dahil parang walang na kong magagawa sa teaching style na nila ay inenjoy ko nalang. Nakinig lang ako. Hinayaan ko iabsorb ng utak ko lahat ng kaya nya, tandang-tanda ko pa nun na nasa monumento na ko ay tsaka ko palang nabasorb yung ibang dinicuss   ng prof. namin ASTIG talaga yung moment na yun, para lang akong baliw hahaha.
                Ilang beses ko ring naisip na magdrop nalang gawa ng medyo mahirap natalaga yung possible scenarios na kailangan kong pagdaanan. Nandyang huminto ako sa simbahan para humingi ng sign, umisip ng dahilan para magtransfer at pilitin ang sarili kong bitiwan na yung pride ko. Hindi ko rin maisip sa ngayon kung ano ba yung nagging driving force ko para magtuloy-tuloy parin sa pagpasok. Sa isang banda naisp ko, baka masukista nga ata ako kasi magnaenjoy ko yung fact na halos tunawin na yung utak ko sa concept at sa dami ng dapat naiacomplish, na sa huli ay naitatawa ko nalang yung lahat ng hirap ko kada araw.
                Isa lang yun napatunayan ko nung mga panahon na iyon, marahil ay yung nagpapahirap alng talaga sa mga taong nasa ganung stwasyon ay yung patunay na pagkumpara ng sarili nila sa iba at pagsasabuhay ng standards ng ibang tao. I HAD CHOOSEN TO BE NORMAL, RELAX LANG AT WALANG DAPAT PATUNAYAN KAHIT KANINO. This time ay inenjoy ko lang talaga yung moments.


RAINBOW AFTER THE RAIN:
               


Yung mga last days ng summer class yung medyo naenjoy ko. Despite sa kabi-kabilang deadlines exams at conflicts sa trabaho ko ay mas nafeel ko ulit yung pagiging studyante nung mga time na yon. Ilang lang to sa mga memorable moments nung mga time na to:



1.       Kumuha ng multiple choice na pre-finals exams na tatlo lang ang pumasa (and guess what? Gumana nanaman once again ang aking tsambero skills hehe).
2.       Gumawa ng journal reviews na hundred pages within several days lang (though ginamitan ko sya ng trick to be more convinient hehe).
3.       Magklase sa PNU ng 2pm hanggang 10pm tapos diretso na sa emersion by 12 midnight.
4.       Umakyat ng mountain trail na buwis buhay sa tarik at haba.
5.       Pumasok sa kwebang puno ng ipis, paniki at poops (ng paniki) haha.
6.       Mapalutang-lutang sa Pacific Ocean kahit pa alam ko naming di talaga
 ko marunong lumangoy at all.
7.       Makipaginuman sa mga professors ng PNU.
8.       At ang pinakamasayang part sa lahat, MAGKAROON NG BAGONG CIRCLE OF FRIENDS ... tulad ng nung post ko after ng emersion...



“The best part of being a science major is having that connection with your colleagues, people whom you share thought and explanation that everyone could relate to, discuss everything under the sun with common insights and make fun of almost everything under the sun; defying the length of time that you’ve been together.”


*****
                Bilang conclusion (naks parang formal write -up), masasabi ko namang naging successful yung unang sem ko sa Graduate School. Although marami akong nasakripisyo sa loob ng halos 18 days na iyon, feeling ko naman worthy yung mga sakripisyo ko at masaya naman ako sa naging mga karanasan ko sa loob ng mga araw na iyon. Pinagdarasal ko nalang sana mga susunod na semester ay ganun pa rin yung experience MAHIRAP KUMPARA SA IBA, PUNO NG PRESSURE SA BAWAT ASIGNATURA PERO SA HULI ANG BAWAT EXPERIENCES AT MEMORABLE AT MASAYA.





Saturday, April 5, 2014

PNU nga ba ang daan?

“Isang pagkakataon kung saan ang lahat ng tama ay unti-unting nag-iiba ng mukha at nagiging mali. Pagkakataon kung kelan lahat ng iyong pinapangarap at inaasam ay tila ba'y nagiging pansariling bangungot nagugustuhin mong takasan."

Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng natural na takot para sa mga unang pagkakataong gagawin natin ang mga bagong bagay, o isang katibayan lamang na hindi ganoon katindi ang tiwala ko sa aking sarili at magiging sa mga bagay na pinaniniwalaan ko.

Habang nasa harap ng cashier ng isang unibersidad, hindi ko maipaliwanag kung bakit tila baa yaw kong iabot yung hawak kong limang libo sa teller. Hindi naman sa wala akong tiwala sa teller na yon, pero parang nagflashback kasi lahat ng pinagdaanan ko noong araw na yon bago ko pa maabot yung mismong harapan ng cashier na yon. Yung pagpila ko sa baba palang ng LRT 1 para lang makasakay, pagsiksik ng sarili ko sa sobrang sikip na tren para lang maka-usad sa destinasyon ko , paglalakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw, pasagot ng maraming forms, pagkagulat sa mga nakakalulang mga subjects na ngayon ko lan narinig, at sobrang takot dahil sa sobrang pressure at stress na dala ng lugar na iyon.


Sa huli ay napilitan din akong bitiwan ang perang hawak ko dahil yung teller na mismo ang kumuha nito sa kamay ko. Nakakatakot din yung tunog ng prnter nung resibo, parang paulit-ulit nitong sinasabing heto na ang simula handa ka naba?! (tapos parang bumilis yung takbo ng isip ko at napuno ng mga options na tila sinasabi saking batuhin ko yung printer para di matapos yung papiprint ng resibo ko at ng makapag-isip pa ako)... pero sa huli eh wala parin akong nagawa lumabas parin yung resibo, at sinampal sa akin ang malaking salitang nakacapslock pa: ENROLLED! (napaisip pa ko kung tama ba spelling nila pero dahil gutom at pagod na ko noong mga oras na iyon ay pinili ko nalang umuwi na ng bahay para doon ko na pagmunihan yung ginawa kong move noong araw na yon).

"Dahil ako'y nabubuhay sa isang mundong hindi ginawa sa lawa ng arnibal, hinubog ng panahong puno ng pait at halos sa lasa'y kulang,natutong mabuhay sa mundo na pasulong at hindi paurong. Sa ngayon, walang magagawa kungdi tiisin ang mapait na lasang sinusuka ng iba upang sa huli ay ang akin namang mundo ang mapuno ng matamis na lasang kailan man at di matitikman ng iba!"

Wednesday, April 2, 2014

Palaruan sa Loob ng Utak ko (Halika Laro Tayo!)

"Nakasabit sa isang lumang jeepney na punong-puno ng mga pasahero, mga nakakandong na bata, timba ng isda at ilang plastic ng mga tinapay." Pauwi sa bahay dahil inabot na ng tanghalian sa pinuntahan... wala na dapat akong gawin sa pagsapit ng hapon... gaya ng dati tulad ng mga taong nakapaligid sa akin doon"
"Lukot-lukot na ang kanina'y plansyado kong damit, amoy pawis na ang katawang pinahidan ng pabango at nahiihilo na dahil sa tindi ng init at halo-halong amoy ng ibat' ibang tao."

"Pilit na humahanap ng mga taong iniisip kong tuturuan, madalas na umaasang may darating na bubuhay sa hilig kong makipagtunggalian; isang batang susubok sa akin at magdadala sa akin sa pansariling pag-unlad; nangangarap na minsan ay darating ang araw na nakakagawa ako ng pagbabagong hindi nagawa ng mga taong nilamon na ng kawalang gana at konbensyonalidad"

"Napapagod sa mga bagay na wala naman talagang mabigat na halaga, umaangal sa mga gawaing kung tutuusin ay madali lang naman talaga... unti-unting naluluma, lalulusaw at tila ba'y utak ko'y nagsasabaw."

"Bumubuo ng mga pangarap para sa iba na akala ko'y pagdating ang araw ay magiging bagay na sa hinaharap ay ikokonsidera nila, gusto-gusto ko nang ipahiram minsan ang sariling utak upang maunawaan nila ang mga bagay na hindi nila nakikitang mahalaga"

"Nagagalit sa mga pagkakataong namamaliit ngunit wala ka namang magawa dahil ang isyu dito'y hindi na lamang ako bagkus ang pangkalahatang gawa ng bawat isa."

"Pinipigil ang nagsusumigaw na kagustuhang manguna sa paggawa ng lihis sa mga nakasanayan na; Iniipon ang pag-asang sa darating na mga panahon sisibol din ang mga taong tutulong sa akin na pagtulak ng pagiging iba."

"Halos tamarin na sa paggawa, pagpaplano at pagiisip na darating ang panahon para sa amin; Pagbabago hindi lamang sa akin bagkus sa bawat isa sa amin"

"Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dapat kumapit sa mga bagay na ito; pero pilit kong papasanin ang mga pagbabagong ito hanggang ako'y narito (Pero hanggang kailan ko kaya matatagalan ang ganito?); Mangiinis ng mga taong napatulog na ng kawalang gana; Mang-aaway ng mga taong sa pagtulong at pagbabago ay walang pakikibaka."

"ANG LAKAS KO!, kapag ako'y nandito sa loob ng isip ko. Pero kapag sa totoo na'y wala na akong reklamo... sumusunod sa mga taong nagpapakaAMO,, pinagmumukhang matalino ang mga taong nuknukan naman ng BOBO."

Monday, February 24, 2014

PILIpilipete Pretzels

"Ive been making a lot of choosing lately... choices that even myself could not distinguish if its really necessary."

Paalam na kahapon pagkat kay layo na pala ng ngayon... ito na naman ata ang theme song ng buhay ko lately. Hindi ko alam kung dala lang ito ng nalalapit na bugso ng March Emptiness Symdrome o normal lang talaga sa mga taong nasa edad ko ang maradama ng ganito. Malito.Mahilo. At halos magkandaloko-loko.

Mag-aaral o hindi na mag-aaral?
Handa na ba akong gumastos at magpakahirap para sa karagdagang dangal?
Pano kung sa daang pipiliin at magmukhang hangal?
Matatawag ko pa kaya ang buhay na itong marangal?

Hindi ko naman talaga  ganoon kaalaman kung bakit pa ito pinipilit,
Kung obvious namang ang dadalhin nito puros pasakit!
Paghahanda daw ito sa mundong napaka lupit,
Upang sa dulo'y sa pagsisisi'y hindi sumapit.

*********
Safe Zone o War Zone?
Iyan ang sa akin ay isa pang pinapipili.
Kung sa akin lang ay lumaban at mahirapan ay kagustuhang hindi kinukubli,
Ngunit bakit ang paligid ko ay humihiyaw na mali ang pinili!
Gusto ko sa mahirap na daan pagkat ito sa tingin ang mas kawili-wili,
Kaysa magpaagos sa payapang batis na walang man lang silbi.

Ngayon ay kailangang manindigan sa aking naging desisyon,
Wala nang magagawa kahit magrally pa ang buong nasyon.
Tutal naman ako'y na pasubo na sa isang mabigat na bokasyon,
Mas mabuti na rin sigurong magpakareyalistiko at umiwas sa mga ilusyon.
Buhay ay maraming pang hatid na pagpipilian at hindi dapat isentro sa pansariling ambisyon,
Lawakan ang pag-iisip maging matapang at ng hindi makulong sa delusyon.

*********
OO na may tango o HINDI na may iling,
Simpleng mga gestures kapag sayo ay may humihiling.
Madaling sabihin at gawin ngunit bakit tila kayhirap panindigan,
Pagkat pagkatapos nito'y panigurado'y magdadala ng kalituhan.

Magpapakatotoo ba sa tunay na nararamdaman?
O pipiliing magmukhang mabuti sa mukha nino man?
Kailangan ko ata ngayon ay isang kilong katapangan,
Upang malunasan ang hirap na nararanasan.
Halika! piliin natin ang pagiging MASAYA!
Kahit pa ang ibig sabihin nito ay ang posibilidad na mawawalan ka ng MAKAKASAMA!


Friday, February 21, 2014

Nalulunod sa mga Salitang Walang Letra (March Emptiness Syndrome)

Hindi ko alam kung normal ba talaga sa tao ang pakiramdam na ito,
Yung tipong hindi ko alam yung gusto kong mangyare at  di ko rin alam kung paano makakaiwas,
Lately eh nagbabayad nanaman ang nalalapit na March Emptimess Syndrome ko.
Ang akala ko noon ay dala lang ng pagiging estudyante yung pagiging malungkutin ko tuwing buwan ng Marso, pero lately eh parang nararamdaman ko nanaman yung syndrome... Hais

JS Promenade:
Akala ko'y babawi sa mga inagaw na pagkakataon ng aking highschool life,
Yun pala'y siya lamang magpapatunay ng krisis sa quarter life.
Masaya dapat ako, yung ang sa isip ko'y tinatak,
Ngunit bakit sa buong gabi'y hindi man lang nagawang humalakhak.

Akala ko'y sa loob lang ng classroom makadarama ng pressure,
Pero bakit ganun? sa lahat ng oras ay kinailangan kong magmukhang treasure?
Hindi pa nakisama ang real-life setting,
Pagkat kinaroroonan ko'y tila sobrang hirap marating.
Dinagdagan pa ng medyo malas na scenarios,
Kung kaya't lalo akong nagkalito-lito

Paggising ko kanina ay akala ko'y tumama,
Ngunit ng mahimasmasan ay nakitang ang naging desisyon pala'y kay sama.
Muntik nang isumpa ang naging karanasan,
Pagkat kasiyaha'y lubhang kulang, at sa mga kaganapa'y nahuli,
Gabi ng panghihinayang sadyang puno ng pagsisisi.

Bakit kaya ganon? Ang akala ko ba'y ang HAPPINESS ay wala key?
Pero bakit ang nakaharang sakin ay pintuang kay LAKI!?
Hmp...



Monday, December 30, 2013

Pampabawi ng Taong 2013

“Narito pa rin, patuloy na lumalakad sa isang kalsadang hindi ko naman talaga alam kung bakit ko pa tinatahak.”

I.Pagbubukas at Pagsasara
                Marami ang natuwa sa kabanatang ito ng aking taon. Maraming nagsasabing maswerte daw ako at kumpara sa iba ay mas naging konbinyente sa akin ang malubak at malayong kalyeng aking nasuotan. MAGPATULOY… ito ang salitang binalot ko sa kabuuan ng aking isipan upang hindi lukubin ng katotohanang nililigaw ko lamang ang aking atensyon upang pagtakban ang aking mga naging kahinaan sa mga nagdaang panahon. Pilit na umuusad sa kung saan mang direksyon ako dadalhin, ayoko munang humawak ng manubela… gusto ko lang hayaan munang maglakad ng maglakad hanggang sa makakita ng isang pasilyong magbibigay sakin ng rason upang lumiko at magiba ng direksyon.

II.Hilig at Pangangailangan
                Maraming nag-aakalang ang tagumpay ay ang pagkamit ng mga bagay na hindi lahat ng tao ay nakagagawa, marahil nga’y matagumpay ka sa mga mata ng mga taong nilunod na ng ilsuyon at ideyalismong kanilang binuo sa mga isipang ng may ilang dekada na. Hindi ko alam na ang pinakamahirap palang tukuyin ang yung mga bagay na dapat sanay matagal ko ng nakabisa. Sino ba talaga ako? Anu-ano ang mga bagay na aking gusto? Saan ako patutungo?
                Akala ko’y nabubura ng pag-unlad ang mga markang inuukit ng aking mga takot at agam-agam. Inisip kong ang paghawak sa saliw ng musika na hinihimig ng karamihan ay magpapagaan at unti unting magbibigay sakin ng matinong direksyon patungo sa isang sangtuwaryong magpapakita sakin ng kapayapaan at kalahatan ng aking inaasam na buhay.

III.DESTINED TO MAKE A DIFFERENCE
                It seems to me that I was born for a certain purpose that I must discover soon. I had lived my life trying to pursue things that are righteous and acceptable in the eyes of everyone. I’m jailed in always proving my abilities and even myself; (just like now, by trying to write in this language just to convince myself that I could still express myself much better to those people around me.)
                It’s quite ironic how life somehow tricked me lately, I aimed to be a part of a working environment that was progressive and competent… but here I am now, in a field were competence was the last priority, where most of the people neglect the thing that I tried to be the best in all my life, a place which reflects the difference between my ideals and realities, a battlefield which I don’t really know if it’s worth fighting for at all.
                Despite my struggles lately I still choose to keep moving, trying to think and create a vision that everything will be in accordance with my ideals soon. One good thing probably that I had upon being this field is the bunch of people that I met in the circle, people that shown me the reciprocated manner of life that I plan to do and beauty that I didn't tried to notice all my life. Yes, it was like I’m taking a drug that brings me to amnesia every time I enter the circle; I suddenly forget being me, forget the goals that I tried to create, forget the things that I wanted  to achieve and forget the system where I wanted to fit in. I don’t know if this would a dead-end soon but I just hope that this would be a good trail for spelunking soon. (For the entirety of it really depends on me J)

IV.HEALTH AND WEALTH
                Noong mga nakalipas na araw, sobrang di ko talaga maipaliwanag yung pagsama ng pakiramdam ko. Naisip ko tuloy ba baka nakikisimpatya lang yung mga body cells ko sa pagkalito ko kung Masaya ba ko hindi sa mg bagay na ginagawa ko. Mahirap din palang magkasakit ng may pera kang pinanghahawakan; feeling ko kasi ay nakakadagdag ng paranoia ang pagkakaroon ng pera kapag may sakit ka. Yung tipong gusto mo lagging magpacheck-up sa doctor at bumili ng bumili ng mga gamut na pede mong laklakin para lang bu muti yung pakiramdam mo. Nakakadepress lang isipin pag ok na yung pakiramdam mo na parang naisahan ka ng mga doctor nung mga times na may sakit ka, yung para kang nahohold-up ng 300-400 pesos para lang sa ilang minutong kumustahan at interview. Kung nagkaroon lang kasi sana ko ng chance para makapagtake ng medicine eh, edi sana ako na yung nanghohold-up ngayon sa mga pasyente ko hahaha.

V. GROWING UP DOESN’T ENSURES MATURITY
                Malaking difference lately yung napansin ko sa mga naging approach ko sa buhay kumpara sa mga taong nakapaligid sakin. Hindi ko alam kung sa edad ba naming yung diperensya kung kaya’t ibang yung mga visions ko kumpara sa kanila. Gusto kung rin minsang mag-isip sa level ng pagiisip nila yung tipong matured, reliable at confident. Pakiramdam ko kasi ay ito yung mga traits na required sa bokasyon na meron ako sa ngayon, yun nga lang ala palang tindahan yung makakapagpautang sakin ng tingi-tinging maturity.
                Hindi ko alam kung naihanda ba ko ng ilang taon kong pag-aaral sa pagbibigay at pagbuo ng mga desisyong makakaapekto sa mga taong umaasa sakin. Hindi ko rin naman kasi gusto yung pakiramdam na para bang lagi silang may inaasahan sakin, yung parang pag nakikita kanila at may obligasyon ka sa kanila. Makakatakot… natatakot akong magkamali dahil paniguradong hindi lang ako ang maapektuhan ng mga pagkakamaling aking magagawa.

VI.AHA MOMENTS
                Parang minulat ako ng taon na ito sa isang mundo hindi ko kalian man napagtuonan ng pansin. Di ko inakalang magbabyahe nga ako ng araw-araw ng ilang kilometro para lamang gumanap sa isang bokasyon minsan ko nang sinubok na kalimutan; Tinuruan ako ng taon na ito na sumakay sa mga pampasaherong transprotasyong punong-puno ng inconvenience (siksikan, init, hassles); Nagbalangkas ang taon na ito ng isang bagong living routine para sa akin (bagong oras ng tulog at gising at bagong mga priorities); Binigyan ako ng taon na ito ng mga bagong iisipin at poproblemahin bukod sa pag-aantay kung kelan ako tutubuan at mawawalan ng tigyawat sa mukha; Bumuo ang taon na ito ng mga bagong listahan ng mga bagay na gusto kong magkaroon at makuha; Pinakilala ako ng taon na ito sa isang mundo kinapapalooban ng mga taong hindi ko lang sa screen ng netbook makikita(isang mundong nagparealize sakin na masyadong malayo ang tanaw ko ukol sa tunay na buhay);Pinilit ako ng taon na itong gumawa ng mga bagay na beyond sa mga bagay na akala ko ay di ko kayang gawin; Binuksan ng taon na ito ang mga pagkakataong makabuo ako ng pagbabago at sumubok ng mga bagay na maaaring makagawa ng mga pagbabago… At higit sa lahat ay pinaalala sa akin ng taon na ito na isa pala kong TAO…  Isang humihinga at nag-iisip na TAO.

VII. TRASHES
-Mahirap mag-antay ng jeep na may rutang “Fortune Market” sa Mc Arthur Highway.
-Mahal ang special trip ng tricycle kahit pa walking distance lang yung bababaan mo.
-Mahirap gumawa ng forms (ito talaga ang pinakawater loo ko).
-Wala kang karapatang mamili ng jeep kapag byaheng bignay ka (kahit pa yung jeep eh abot na sa ulo mo yung bubong dahil sa baba).
-Necessity ang pagkakaroon ng matibay na paa sa bignay (hindi uso yung maiklang lakad pag nasa Bignay ka).
-Hanggang 8pm lang yung transport system sa Bignay (kaya kailangan eh matapos mo na lahat ng gala mo befor 8pm).
- Pay Day ang pinakamasayang araw sa loob ng isang buwan, at yung week before the Pay Day ang pinakataghirap na petsa para sa karamihan(Ito rin yung season ng mga pangungutang).
-Marami kang mabibili sa loob ng Faculty Room daig pa yung SM supermalls.
-Mahirap maningil ng kahit ano sa mga katrabaho mo, kaya siguraduhing maniningil ka kapg Pay Day o di kaya naman ay tuwing may bonus kayong natanggap.