May isang libo at isang
mukha siguro ang maaring pagpilian ng mga studyante pagkatapos nilang
tumaggap ng kani-kanilang mga diploma. Iba’t ibang katangiang unti-unting
ginuguhit ng mga desisyon ng bawat isa matapos nila makawala sa pagkakagapos
nila sa apat na sulok ng paaralan. Iba’t ibang mukhang tila maskarang kanilang
dadalhin ng panghabang buhay.
Ang Mga Masukista: Sila yung pinipiling magbalik sa
kani-kanilang kulungan (paaralan) para muling bumuno ng ilang taon pang
sintensya(in short sila yung mga piniling mag-aral uli). Kung di sila nagiging
bahagi ng naturang institusyon ay nagpapataas lang sila ng antas ng mga
kaalaman na meron sila, kung may magiging saysay man ito sa huli eh di natin
alam.
Ang Mga Manlalayag: Sila yung mga nagkukumahog na makaalis ng
bansa, yung tipong di pa nga nakakatanggap ng diploma eh nagaayos na ng visa
papuntang ibang bansa. Kadalasan ang mga ganitong klaseng alumni ang
maituturing “cream of the crop” sila kasi ang kadalasang nagpapasimuno ng mga
reunion gawa ng sila yung maraming pera pagkatapos ng ilang taong pagtatrabaho
abroad. Sila yung kadalasang nakakapagpamangha sa mga reunion, yung tipong
kahit na yung pinakabobo sa klase ay nagiging superior kapag nakatungtong na sa
ibang bansa.
BOBO: yung mga taong
wala pang laman ang utak pero pede pang lagyan anytime
TANGA: yung maraming laman ang utak pero puro mali naman.
Ang Mga First Liners: Ang dahilan ng mga biglaang get together.
Sila yung mga nauna na sa pila, in short mga maagang namayapa. Ang advantage
lang ng pagiging first liner ay ang pagkakaroon ng pakakataong mapuri ng mga
dati niyang kaklase. Yung tipo kahit sya na yung pinakamasamang tao sa
classroom nung mga panahon na nag aaral kayo eh parang nagiging mr/ms
friendship sya sa araw ng burol niya. Sila yung madalas panghinayangan dahil
sayang daw sila lagi, parang mga puno na di man lang nagawang mamunga o di kaya
nama’y mga punla di man lang nagawang dumampi sa lupa.
Ang Mga Biggest Losers: Ang mga mahirap halugarin kapag may mga
reunion. Sila yung mga napressure masyado sa mga standards na ginawa ng mga tao
sa paligid nila, yung tipong halos mabale ang leeg kapag graduation ceremony
dahil sa dami ng awards kaso nga lang eh di ganong nagiging matagumpay sa buhay
pagkatapos ng pag-aaral. Naubos lang siguro nila ang lahat ng galling nila sa
loob ng school kaya ng lumakad na papunta sa reyalidad ay nilamon kaagad ng
katotohanan ng buhay. Kung sa mga nakapagkolehiyo eh may dalawang klase ang mga
biggest loser, una ay yung mga nangunguna sa klase tapos ay di nakakapasa sa
board exam (laking kahihiyan di ba?), at pangalawa ay yung mga dean’s lister na
hindi nagiging successful sa kani-kanilang mga career(pede naman kasing yun
lang talaga ang goal na gusto nilang maabot selfless contentment kung baga).
“kaya nga minsan ay mas maganda pang maging pinakahuli sa
klase para kung sakaling maging magtagumpay ka sa buhay ay sadyang kabibiliban
ka, at kung sakaling hindi naman eh expected na naman ng lahat yun kaya
mauunawaan ka parin nila”
Ang Mga Magulang: Sila yung mga unang nakakabuo ng pamilya. Ang
mga madalas pasimuno ng binyagan at birthday parties, sila ang madalas na
maging pattern ng tamang pagpapamilya, yung tipong lagi silang nagiging example
ng kahahantungan mo kapag nag-asawa ka ng maaga. Iba’t ibang klase rin ang mga
magulang, merong nagkakatulayan at nagiging maayos naman yung buhay (kasi
pinag-aaral parin sila sa kabila ng mga nangyari) at meron din namang nagiging
single parent (kasi marirealize nila na masyado pa silang bata para magtimpla
ng gatas o magpadede ng anak). Gayunpaman advantageous parin naman ang pagiging
mga batang magulang dahil sa pagdaan ng mga panahon eh sila pa yung ngakakaroon
ng ideal na pamilya kumpara dun sa mga may edad nang nag-asawa.
Ang Mga Loveteams: Sila yung mga nagkakatuyang mga magkaklase.
Yung mga maswerteng nakahanap ng kaparehang tila tinadha na para hindi na sila
maghanap-hanap pa sa iba.
Ang Mga Pinagpala: Ang stunner ng reunion. Sila yung parang
binuhusan ng sandamakmak na swerte sa buong batch. May matagumpay na career,
maayos na pamilya, magagandang anak at sandamakmak na options sa buhay. Kung
minsan mapapaisip ka rin kung bakit hindi pedeng lahat nalang kayo sa batch
niyo ay maging ganito nalang sana, kaso ganun talaga ang buhay eh. Pedeng rag
to riches din ang kwento ng mga ganitong tao, yung tipong mga working students
sila nung college kayo tapos eh biglang sya na yung lumabas na pinaka-big time
sa inyong lahat (though pinagtrabahuhan nya naman lahat ng meron sya kaya di ka
dapat mainggit sa kanya dahil deserve nya un ^.^).
Wala naman talagang perfect formula para maassure ang mga
patutunguhan na bawat estudyanteng lalabas sa bawat eskwelahan. Ang mahalaga eh
kung pano sila makakarating sa kung anung meron sila at kung anung kasiyahan
ang matatamo nila sa mga buhay na pinili nilang gampanan. Ikaw ano ang papel mu
sa mga reunion? Anong papel ang wish mong gampanan? May papel kabang hindi ko
nabanggit sa mga nasa itaas?
No comments:
Post a Comment