May makapagsasabi kaya kung saan matatagpuan ang mga piping
kasagutan ng buhay? Paano kaya mabibigayan ng wakas ang bawat kasawian kung ang
bawat kabanatang natutuldukan ay naghuhudyat ng panibagong kabiguan? Pano ba
tunay na mabibigyang lunas ang isang karamdamang tila wala namang lunas? Isang
karamdamang tila sumpang unti unting kumikitil sa isang buhay na tila puno ng
kagandahang hiram.
Madalas kong itanong dati sa sarili ko kung kelan kaya ako
matatapos sa lahat ng assignments at project sa school. Isang walang muwang na
kathang tila ba nagsasabi na ang buhay ay kasing dali lang ng pagsagot sa ilang
nakasaad na mga katanungan sa workbook ng isang elementary student. Buhay na
mahahalintulad sa isang librong parating inaabangan ang katapusan sa huling
pahina nito.
Sa pagdaan ng panahon na wari bang nilalapit ako sa takdang
huling pahina; nalungkot lang ako. Nalungkot dahil ang inakala kong huling
pahina ay isang bintana lang pala tungo sa isang mas makapal na mga kabanata
pang dapat ko ring pagdaanan. Kinambalan pa ng takot ang lungkot na lumukob
sakin. Di ko na ata alam ang dapat kong puntahan. Hindi na. Hindi ko akalain na
aabot ito sa ganito, isang tumatanda ng batang kabayong pangakera.
Sa pagpapatalo ko sa tangkot ng reyalidad ay inagos ako ng
panahon sa malaking lubak, lubak na di ko na ata kaylan mga maaalpasa. Piliin
ko mang managhoy ng tulad sa bawat serye sa telebisyong aking nasubaybayan,
mali pa rin ako hanggang sa huli. Di tulad ng seryeng pang katha ay di
matatapos sa kasiyahan at pagkakaayos ng lahat ang mundong gingalawan ko sa
ngayon. Di tulad ng mga seryeng may takda ng wakas sa bawat script na laan
dito, ang buhay na minsan kong iginuhit na nananatili paring nakatiwangwang ang
katapusan.
Paano nga ba magandang lakipan ng katapusan ang buhay na
aking sinimulan? Pipiliin ko ba yung cinematic na huling paaalam o mananatili
sa isang payak at konbensyonal na katapusan? Narito ang ilang eksenang naisip
ko para sa aking katapusan: 1.Mamamatay
sa sakit – dahil medyo may kahinaan ang pangangatawan ko,inaashan ko nang
ito yung finale na nakalaan sakin. Nakaratay sa higaan habang pinalilibutan ng
mga kaanak na aking pinatawag; iiyak ang mga kamag-anak sa aking likuran dala
ng hawag sa kinasapitan ko at takot na rin na mapgdaanan ang eksenang
pinagbibidahan ko; at sabay sasariwain
ang mga kabutihang aking nagawa na tila isang banal na walang kasalanang
nagawa.Bidang-bida ang datingan ko dito diba? 2.Self
service death –isang hindi magandang ideya. Isa sa pinakaduwag na pagkatha
ng wakas, boring kung isasapelikula dahil walang ibang kasama. Masasakatan ka,
magsisisi at luluha ng mag-isa. Kung isasapelikula ay kawawa lang ang artista,
dahil sa malamang eh manuyot na sya sa kakabungkal ng emosyong sya lang ang
magtatamasa. 3. Mamamatay sa tapik ng
tadhana –ito na ata ang isa sa pinaka magandang ideya na maari kong
imungkahi para sa pagpapaalam. Maraming pagpipilian sa katapusang ito pwedeng
pangmaramihan at pede ring isahan; pwedeng gawing dalawahan para romantic o di
kaya naman medyo karumal dumal o di kaya naman eh yung medyo tragic. Kung
susuwertihin pede pang may kalakip na Burial Package yung ganitong katapusan
lalo na kung sa malalaking kompanya gaganapin ang mga eksena.Halimbawa na kung
mamamatay ka dahil sa pakaipit sa escalator ng SM malls, o di kaya naman eh
mapofood poison ka habang nakasakay sa eroplano ng Cebu Pacific o di kaya naman
eh kung mababagsakan ka ng mga ataol na nakadisplay sa Funeraria Paz. 4.
Redanduncy –isang melodramatic na ideya, ilang beses na pinopromote na mageending
ka na pero di sinasadyang magkakaroon ka pa ng makailang ulit na sequel na daig
pa ang istorya ng Harry Potter. Nakikiusong ideya dahil sa panahon naman tayo
ng unlimited ngayon dib a? Dahil nga sa haba ng dapat sana’y huling kabanata na
ito ay maski yung mga taong dapat sanay makakakuha ng award winning scene for
their dramatic performance eh mawawalan na ng ganang maglabas ng luha at
emosyon sa lamay mo. 5. Miteryosong huling kabanata- kung
isasapelikula, ito na siguro yung pinaka-tatabo sa takilya. Isang wakas na nangangailangan
ng madugong brainstorming; pwedeng ibitin ang ilan kasagutan para sa mga
katanungang tulad ng : Sya ba talaga ito? (dahil nasunog o di kaya naman eh din
a makilala ang katawan ng namatay), Hindi kaya buhay pa sya? (dahil di naman
nakita ang katawan ng namatay, pwedeng inanod sa estero o di kaya naman nahulog sa eroplanao), May foul play kaya
dito? (dahil sa hindi masiguro kung self service ang eksena o di kaya naman ay
nagpaplanuhan lang talaga ng masuhay ng mga assasin) at Ito na ba talaga ang
katapusan? (dahil patuloy pa rin ang pagpaparamdaman ng bida sa katapusan,pwedeng
humihingi ng tulong o di kaya nama’y mayroon pang unfinished business kuno).
Ilang lang to sa mga ideyang pinagisipan ko ng minsang maisip ko kung panu kaya
kung maging sikat na tao ako?Paano kung may isang loko-lokong makaisip na
mag-aksaya ng ilang milyon para isapelikula ang buhay ko? Pano nila
isasapelikula yung buhay ko?
Sa katunayan ay hindi parin ako desidido kung sa panung
paraan ko tatapusin ito. Marahil ay magandang tapusin ito sa pag-iisip ng isang
magandang titulo para sa huling eksenang pagbibida ko. Ano nga kaya? “Isang
paglalakbay ng isang bangkang papel sa kumukulong pool ng arnibal”..hmm ang
tutuo ay marinigan na ko ng kahawig na titulong ganito at medyo nagandahan ako
kaya eto medyo ginagaya ko lang ngayon, di kaya ako mademanda ng pladyerismo nito?
Pwede rin namang “Ang Maambisyong Paglipad ng Tutubing Karayom sa isang Five
Star Hotel” hindi naman kaya masyado yong mahahaba kung ganitong titulo ang
gagamitin ko? Baka naman mahal yun pag
pinagawan ng tarpaulin? Hmm… marahil ay pwede na rin ang “Z” bilang titulo
tutal naman iyon din ang letrang pinakahuli sa ating alpabeto. O di kaya naman
ay.
Anu pang hinihintay mo? Tapos na nga di ba? Tinapos na ng
tuldok. Kuha mo?
No comments:
Post a Comment