“Life is a never ending chase towards
greatness, and to be great one must do something that the crowd never imagined
doing and always choosing to be at your best effort at times when everybody
else had chosen to stop”
Hindi ko alam kung bakit sa inbersidad na ito ako dinala ng aking mga paa; siguro iyon na ata yung tinatawag nilang “DESTINY”. Ang totoo’y ang plano ko
lang talaga ay matry na magbuhay studyanteng muli, mastress pagrereview,
makakilala ng mga bagong kaklase, makakita ng mga bagong bagay na magpapahanga
sa akin at maupo sa harap ng pisara hanggang sa uminit ang aking puwetan.
Mahirap
talagang mag-aral sa malayong lugar, bukod sa kailangan mong gumising ng maaga ay marami ka ring factors na icoconsider para hindi ka malate (tulad ng pila
sa LRT, traffic sa kanto, mabagal na driver, gahaman na driver at atmospheric
situation). Parang hilong talilong na ko nung unang klase ko sa first day, kaso
wala naman akong choice kung icompose ang sarili ko dahil wala pa kong kakilala
at all (all by myself lang ang peg haha). Mahirap din piliting magpakaseryoso
kahit hindi naman talaga piling ko kasi lahat sila ay seryoso,,, ADVANCED
STATISTICS ang una kong subject yun lang kasi ang pamilyar na subject sa
kabuuan ng prospectus namin kaya yun ang kinuha ko.
OK,
naman yung klase, may mga nakajive din naman ako agad na mga kaedaran ko sa
first daw palang. Nawindang lang ako sa kalakaran ng first class hindi ko
inaakalang pede palang ipaassignment ang summary ng isang libro, at wala akng
karapatang umangal dahil parang normal lang naman yung ganun sa mga kasama ko
sa room. Dahil wala naman akong choice eh nakisunod nalang akong sa tingin ko
naman ay kakayanin ko kaya go lang ng go!
Ang
nakalimutan ko lang nung araw na yun ay may isa papala kong subject, kaya yung
akala kong kakayanin ko na eh parang hindi na pala. Halos matunay naman sa
concepts yung next class ko, yung tipong yung mga akala todo na sa turo ay
hindi pala. Sa isang banda ay natuwa pa rin naman ako, kasi ngayon ko nalang
ulit naranasan na mabombard ng todo-todo sa concepts nakakatuwang nakakabaliw
yung feeling haha.
Ang
ending,,, plakda ako pagdating sa bahay naming. Pagod sa byahe, drained
mentally at feeling ko ay sumagad hanggang microfilaments ko yung pressure.
Pero wala akong ibang choice may pasok pa bukas at maraming beses ko pa
kailangang gawin ito.
STRUGGLE DAYS:
Lutang
ako ng mga sumunod na araw, although nakakasabay naman ako sa agos eh parang
hindi ko naman maramdaman yung sarili ko nung mga sumunod na mga araw. Isa sa
mga di ko malilimutan nung mga panahon nay un ay yung lecture naming sa
Environmental Science. NAPARAMING CCONCEPTS!, sa dami nun ay parang kailangan
ko ng spare na utak pangreserba if ever na sumuko yung isa ay may matitira pa sakin. Dahil parang walang na
kong magagawa sa teaching style na nila ay inenjoy ko nalang. Nakinig lang ako.
Hinayaan ko iabsorb ng utak ko lahat ng kaya nya, tandang-tanda ko pa nun na
nasa monumento na ko ay tsaka ko palang nabasorb yung ibang dinicuss ng prof. namin ASTIG talaga yung moment na
yun, para lang akong baliw hahaha.
Ilang
beses ko ring naisip na magdrop nalang gawa ng medyo mahirap natalaga yung
possible scenarios na kailangan kong pagdaanan. Nandyang huminto ako sa
simbahan para humingi ng sign, umisip ng dahilan para magtransfer at pilitin
ang sarili kong bitiwan na yung pride ko. Hindi ko rin maisip sa ngayon kung
ano ba yung nagging driving force ko para magtuloy-tuloy parin sa pagpasok. Sa
isang banda naisp ko, baka masukista nga ata ako kasi magnaenjoy ko yung fact
na halos tunawin na yung utak ko sa concept at sa dami ng dapat naiacomplish,
na sa huli ay naitatawa ko nalang yung lahat ng hirap ko kada araw.
Isa
lang yun napatunayan ko nung mga panahon na iyon, marahil ay yung nagpapahirap
alng talaga sa mga taong nasa ganung stwasyon ay yung patunay na pagkumpara ng
sarili nila sa iba at pagsasabuhay ng standards ng ibang tao. I HAD CHOOSEN TO
BE NORMAL, RELAX LANG AT WALANG DAPAT PATUNAYAN KAHIT KANINO. This time ay
inenjoy ko lang talaga yung moments.
RAINBOW AFTER THE RAIN:
Yung mga last days ng summer class yung medyo naenjoy ko. Despite sa kabi-kabilang deadlines exams at conflicts sa trabaho ko ay mas nafeel ko ulit yung pagiging studyante nung mga time na yon. Ilang lang to sa mga memorable moments nung mga time na to:
1. Kumuha
ng multiple choice na pre-finals exams na tatlo lang ang pumasa (and guess
what? Gumana nanaman once again ang aking tsambero skills hehe).
2. Gumawa
ng journal reviews na hundred pages within several days lang (though ginamitan
ko sya ng trick to be more convinient hehe).
3. Magklase
sa PNU ng 2pm hanggang 10pm tapos diretso na sa emersion by 12 midnight.
4. Umakyat
ng mountain trail na buwis buhay sa tarik at haba.
5. Pumasok
sa kwebang puno ng ipis, paniki at poops (ng paniki) haha.
6. Mapalutang-lutang
sa Pacific Ocean kahit pa alam ko naming di talaga
ko marunong lumangoy at all.
7. Makipaginuman
sa mga professors ng PNU.
8. At
ang pinakamasayang part sa lahat, MAGKAROON NG BAGONG CIRCLE OF FRIENDS ...
tulad ng nung post ko after ng emersion...
“The best part of
being a science major is having that connection with your colleagues, people
whom you share thought and explanation that everyone could relate to, discuss
everything under the sun with common insights and make fun of almost everything
under the sun; defying the length of time that you’ve been together.”
*****
Bilang
conclusion (naks parang formal write -up), masasabi ko namang naging
successful yung unang sem ko sa Graduate School. Although marami akong
nasakripisyo sa loob ng halos 18 days na iyon, feeling ko naman worthy yung mga
sakripisyo ko at masaya naman ako sa naging mga karanasan ko sa loob ng mga
araw na iyon. Pinagdarasal ko nalang sana mga susunod na semester ay ganun pa
rin yung experience MAHIRAP KUMPARA SA IBA, PUNO NG PRESSURE SA BAWAT
ASIGNATURA PERO SA HULI ANG BAWAT EXPERIENCES AT MEMORABLE AT MASAYA.
wow :) congrats pete!
ReplyDeletenakaka-excite na nakaka-inspire habang binabasa ko ito :)
you are really making your own path... keep it up! :)