“Isang pagkakataon kung saan ang lahat ng tama ay
unti-unting nag-iiba ng mukha at nagiging mali. Pagkakataon kung kelan lahat ng
iyong pinapangarap at inaasam ay tila ba'y nagiging pansariling bangungot nagugustuhin mong takasan."
Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng natural na takot para
sa mga unang pagkakataong gagawin natin ang mga bagong bagay, o isang katibayan
lamang na hindi ganoon katindi ang tiwala ko sa aking sarili at magiging sa mga
bagay na pinaniniwalaan ko.
Habang nasa harap ng cashier ng isang unibersidad, hindi ko
maipaliwanag kung bakit tila baa yaw kong iabot yung hawak kong limang libo sa
teller. Hindi naman sa wala akong tiwala sa teller na yon, pero parang
nagflashback kasi lahat ng pinagdaanan ko noong araw na yon bago ko pa maabot
yung mismong harapan ng cashier na yon. Yung pagpila ko sa baba palang ng LRT 1
para lang makasakay, pagsiksik ng sarili ko sa sobrang sikip na tren para lang
maka-usad sa destinasyon ko , paglalakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw,
pasagot ng maraming forms, pagkagulat sa mga nakakalulang mga subjects na
ngayon ko lan narinig, at sobrang takot dahil sa sobrang pressure at stress na
dala ng lugar na iyon.
Sa huli ay napilitan din akong bitiwan ang perang hawak ko
dahil yung teller na mismo ang kumuha nito sa kamay ko. Nakakatakot din yung tunog
ng prnter nung resibo, parang paulit-ulit nitong sinasabing heto na ang simula
handa ka naba?! (tapos parang bumilis yung takbo ng isip ko at napuno ng mga
options na tila sinasabi saking batuhin ko yung printer para di matapos yung
papiprint ng resibo ko at ng makapag-isip pa ako)... pero sa huli eh wala parin
akong nagawa lumabas parin yung resibo, at sinampal sa akin ang malaking
salitang nakacapslock pa: ENROLLED! (napaisip pa ko kung tama ba spelling nila
pero dahil gutom at pagod na ko noong mga oras na iyon ay pinili ko nalang
umuwi na ng bahay para doon ko na pagmunihan yung ginawa kong move noong araw
na yon).
"Dahil ako'y nabubuhay sa isang mundong hindi ginawa sa lawa ng arnibal, hinubog ng panahong puno ng pait at halos sa lasa'y kulang,natutong mabuhay sa mundo na pasulong at hindi paurong. Sa ngayon, walang magagawa kungdi tiisin ang mapait na lasang sinusuka ng iba upang sa huli ay ang akin namang mundo ang mapuno ng matamis na lasang kailan man at di matitikman ng iba!"
nice! congrats pete :) go!
ReplyDelete