Why is everybody seems to be so obsess with perfection? Yung
tipong mas malakas pa ang loob nilang husgahan yung isang mali mo over the
thousands of your righteousness. Hindi ko talaga maintindahan kung anung
pumasok sa isip ng mga advertiser ng produktong ito (Nesfruita Fruit drink)
kung bakit parang tinolerate nila ang masamang reyalidad pagdating sa ugali ng
mga tao. Tama bang sukatin ang galling ng isang tao base sa kawalan nito ng
kamalian? Bakit kaya mahirap para sa mga taong makakita ng dungis sa isang
malinis na record? Hay buhay nga naman, sadyang mas malakas na hangin ang
humahampas sa mas nakakataas na mga puno. Gayunpaman mali bang yumuko at
humalik sa putik ang matayog na punong tinamaan ng lintik? Sino bang may mas
karapatang magbigay ng kahulugan sa salitang FAILURE? Sila na walang sawang
pinagbubuti ang kanilang galling sa panghuhusga at pagpuna ng mga kamalian, o
ang mga taong handang tumanggap ng mali dahil mas pinagbubuting muli’t muli ang
mga kinagawian nang mga ugali?
Sabi nila maswerte daw yung mga taong di ganong madalas
magkamali… in short matalino!. Di daw kasi lahat ng tao sa Earth ay nabibigyan
ng above average na IQ o di kaya naman ay excellent academic skills. Pero sa
tingin ko, it’s di other way around, kung tutuusin kasi ay maraming bagay ang
napoprohibit sa isang tao kapag nalink na yung pagkatao niya sa pagiging
matatalino. Narito ang ilang dahilan kung bakit lamang ang pagiging di
katalinuhan kesa sa mga henyo kuno:
…Mas maraming pagkakataong magexplore ang mga di katalinuhan
kung kampara sa mga nabansagang matatalino, may prebelehiyo kasi ang mga di
katalinuhang gumawa ng mga mali kahit ilang beses nila gusto kumpara sa
matatalinong nakarecord ang bawat kamaliang nagagawa nila.
…Mas matatakutin ang matatalino kesa sa mga hindi, sa dami
kasi ng nalalaman nila ay lagi silang aware sa mga masasamang bagay na pedeng
mangyare… kaya madalas na praning ang mga matatalino.
…Di lahat ng tao ay nakakaunawa sa matatalino kumpara sa mga
di ganong marunong, syempre dahil nga sa kakaibang taas ng mga IQ nila, ilan
lang yung nakakalevel sa mga ideas na meron sila.
…Di daw magaling sa aspetong buhay-buhay ang matatalino,
marami kasi silang idealisms at do’s and don’ts kaya di nila naeenjoy ang
buhay.
…May mas malaking impact ang pagkakamali ng matatalino kaysa
sa mga di katalinuhan, imbes kasi na ikaw lang ang maapektuhan sa pagkakamali
na nagawa mo ay nakikiisa a ang buong mundo sa pagpuna ng mga kamalian mo kapag
matalino ka. Di gaya ng sa mga di katalinuhan na understandable ang bawat
pagkakamali.
…Kada may di alam ang mga tao sa paligid mo, sayo kaagad
binabaling ang lahat ng di nila kayang sagutin, as if wala kang karapatang
magkaroon ng waterloo sa buhay.
…Malas din daw sa love life ang matatalino (sa kung ano man
ang dahilan ay di ko talaga alam).
No comments:
Post a Comment