Kilala mo ba si Mitsuwi?, Sya yung isa sa mga naging kalaban
ni Eugene sa Ghost Figther. Sya yung may Pitong katauhan kuno, ang galling
diba? Tinalo na yung mga bi-polar sa pagiging abnormal. Minsan naisip kong
masarap sigurong mabuhay kung meron din akong iba pang katauhan, yung tipong
kapag burned-out ka na sa buhay mo eh isang pitik lang ay pede ka ng
magpasubstitute sa isa pang katauhan mo para makapagrefresh naman yun iba mo
pang katauhan, ang astig nun diba!?
KOOOOOTIIIIIIILAAAAAAAOOOOOK... gaya ng dati ay ginising
nanaman ako ng sampal ng mainit na sinag na araw na pumapasok sa higaan ko,
siguro ay nasa lagpas alas otso na, naririrnig ko na kasi yung theme song ng
Kris TV eh. Gaya ng dati sisimulan ko ang araw sa pagmumuni-muni, iisipin kung
anong pedeng gawin para sa araw na yon; iisipin kung may pagbabago pa nga bang
darating. Haharap sa isang hapag-kainang puno ng mga makakain na wari ba’y
lalong nagpapaguilty sayo. Tila ba’y sa bawat subo mo’y nagwewelga yung mga
pagkain sa pinggan mo dahil sa hindi mo naman daw sila deserve kainin.
Bumibilang ng ilang araw bago ako sumakay muli ng jeep o di
kaya nama’y bus; puros pedicab at tricycle lang kasi ang nagsasakay sa lahat ng
klase ng tao simula sa mga professionals hanggang sa pinakababa.Maraming
realization ang dinadala ng pagsakay ng bus o di kaya naman ay jeep, andyang
maiisip mo yung pede mong gawin sa future o di kaya nama’y yung mga dating
experiences mo habang tinatahak ang kahabaan ng McArthur Highway. Sa ganitong
mga pagkakataon ay parang may ok pang magka-amnesia habang nagrereminisce, di
mo kasi maiiwasan ang ilang bakas ng reyalidad na nakakalat sa kalsada. Mga
reyalidad na maaring makapagpaalala sayo ng mga dati mong pangarap, estado mo
sa kasalukuyang karera ng buhay o di kaya naman ay mga endless possibilities
tulad nga ng sabi nila.
Sa bilis ng takbo ng oras sa loob ng isang araw, ikaw mismo
ay mahihirapang gumawa ng konkretong plano para gugulin ang bawat segundo sa
loob ng isang araw sa pinakaproduktibong paraan. Parang kada kurap kasi ng mga mata
natin ay may mga bagay na nababago at sa bawat kurap natin ay mga ilang segundo
na agad ang nakawala sa ating mga kamalayan. Mahirap talaga ang
makipagpagalingan sa panahon, gaya ng hirap sa pakikipabuno sa pagbabago.
Gabi nanaman, isang rason para malungkot ang karamihan sa
atin; yung tipong lagi kang mapapatanong kapag nakita mong lulubog na ulit yung
araw … Isang araw nanaman pala yung lumipas anu bang nagawa ko ngayong araw? Sa
sobrang hirap ng pagjajustify ng silbi mo sa mundo nung araw na yon ay di mo
mamamalayang nakaubos ka nanaman ng isa pang araw sa pag-iisip. Ito na marahil
ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming may insomnia, maraming tambay sa
gabi at kung bakit malakas parin ang sales ng mga anti-depresant at mga
sleeping piles.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Ilan lang to sa mga eksena nung mga pagkakataong nagoobserve kami sa Valsci. |
DATE: January 17, 2013
LOCATION: Valenzuela City Science Highschool
TIME: 10:00 am
Pumunta ako kanina sa Valenzuela City Science Highschool,
after quite some times nakahanap na naman ako ng rason para magkasilbi sa
mundong ibabaw. Inayos ko kasi yung application process ng pinsan ko para sa
entarance exam ng Valsci. Nakakatuwa lang nung naglalakad ako sa kalsada ng
Bernabe papuntang eskwelahan; feeling ko college ako ulit; feeling ko ay magoobserve
lang ulit ako sa Valsci haha. Pagpasok sa gate gaya ng dati eh mababait parin
yung mga guards nila, todo assists parin as usual hehe, iniikot ko yung tingin
ko sa buong school… INHALE… EXHALE nakakamiss din pala yung atmosphere ng
stressfulful environment. Nakakamiss yung amoy sa skol, yung amoy ng pentel, ng
plastic cover,ng mga estudyante at nung patisan sa tabi ng school ng Valsci
haha. Siguro kung di lang ako naging pasaway ay sa ganung environment umikot
yung buhay ko hanggang sa ngayon hehe. Dumiretso kami sa registrar, for some reason
eh parang at home yung feeling sa school di gaya ng dati na halos matrauma ko
sa pagpasok dun siguro a part of me just miss
it(pero small part lang yung mga kamalayan ko, yung tipong micro
particle lang haha ).
Nakakatuwa rin makita ulit yung ilang pamilyar na mukha lalo
na kapag narerecognized ka pa nila; yung mga dating proffesors mo, collegues at
mga kaibigan.May ibang dating talaga yung pagpunta ko sa Valsci kanina, weird
yung feeling na after ilang years ay mababalikan mo yung mga bagay na pinilit
mong iwasan. Syempre sinulit ko na yung pagpunta ko dun, siniguradong kong
mapupuntahan ko yung mga dating spot na pinupuntahan namin dun yung lab,
clinic, canteen at guard house. Maraming realizations ang binigay sakin nung
ilang oras na pagdaan ko sa Valsci, parang nagtime travel lang ako sa dating
routines ko, yung dating pagkatao ko at yung present status ng buhay ko.
Ganito siguro ang datingan ko ngayon kung natuloy ako sa pagtuturo. Starring Goivanie Dacasin |
Naisip ko tuloy na baka nga totoo yung kasabihang minsang
naishare sakin nung highschool teacher ko na…”Kadalasan sa sentro ng malakas na
bagyo natin natatagpuan ang katahimikan at kapayapaan.”
it's a sign! go na pete!
ReplyDelete