“Perfect Timing”, ito yung isang bagay na pinang-sanggalan
ng aking paniniwala sa mga nakalipas na panahon. Isang paniniwalang tila ba ay
nagbigay sakin ng rason na umasa, mag-antay at maging kontento sa kung ano ka
sa kasalukuyan. Akala ko eh pang habang-buhay na paniniwala na iyon; Hindi
pala.
March 27, 2013, nagising ako
gaya ng dati. Mulat ang mga mata ngunit Malabo ang mga tanaw, humihinga
sa di malamang dahilan, lunod sa mga guni-guni at takot na di malaman kung
saan. May mga pagkakataon talagang mapapangiti ka nalang sa kung papano parang
pinaplano ang mga bagay-bagay. Kagabi, dahil na rin siguro sa sobrang boredom
at stagnation, napahiling ako.” Lord please show me a place to fit in naman
po”, grabe dala na rin siguro ng holy week eh napapareflect ako bigla. Feeling
ko talaga that time eh parang dead end na ng path na pinili kong lakaran. Ang
totoo ay di ko rin naman talaga alam that time kung ano ba talaga ang hinihingi
ko, isang panandaliang remedy? O pangmatagalang pagkakaabalahan?
Sa sobrang lakas ko kay Lord sa di ko malamang dahilan, ay
tila instant yung sagot sa hiling ko. Grabe di man lang halos inabot ng isang
araw at presto! May sagot na agad sa akin. Bagamat puno parin ako ng mga agam-agam
nung mga pagkakataong iyon, feeling ko ay wala na kong ibang dapat gawin kundi
isabuhay yung bagay na binigay sakin. Natakot ako ng sobra; maraming mga bagay yung naiisip kong parang taliwas sa mga
nakasanayan ko na at mga pinaniniwalaan ko, natakot din akong sumubok muli
(gumawa ng pagbabago at magkamaling muli). Pero sa pagkakataong iyon ay parang
wala na kong karapatang matakot, in short eh naubusan na ko ng life line kaya
kasubuuan na to at wala ng urungan bahala na si batman.
Puros OO nalang yung narinig kong sunod na lumabas sa bibig
ko, hindi na ko tumaliwas sa kahit anong ideyang sinusubo nila sakin, feeling
ko noon ay para kong stunt man na handang tumalon sa building makasama lang sa
isang pelikula. Mabilis yung mga pangyayari, parang napaghandaan na nilang
lahat yung mga mangyayari at tanging yung pagpayag ko lang yung password na
kailangan para magbago yung lahat sa paligid ko.
Muli akong nagpasya na sumaliwa sa mga kagustuhan ko,
nagulat nalang ako ng makita ko ang sarili kong nakatapak na sa battle field na
ilang taon ko ring iniwasan. Tulad ng dati, ang mundong yon ang punong-puno ng
expectations at pressure, feeling ko ay pagtapak ko palang sa lugar na yon ay
naging required na agad akong magtransform sa pagiging Mr. Nice Guy, hahaha
nakakapanibago. Gaya ng sa lahat ng kwento, di mawawala yung mga negative
vibes… bakit sa haba-haba ng pagkakatulog mo ay bakit naisipan mo pang muli na
na gumising at sumabak pa sa giyera? Bakit sa tingin mo ay kukuha kami ng
sundalong patalim lang ang hawak kung marami naman dyang naka-kalibre
kwarenta’y singko? … Isang ngiti lang ang binungad ko sa kanila. Anu pa nga
bang ipanlalaban ko sa mga dragon ng battle field na yon na dapat kung
amuhin at pakisamahan?... ala akong
maisip nung mga pagkakataong iyong, basta ang alam ko lang ay tiwala ako sa
patalim na hawak ko at wala akong pakialam kung ako man ang mauunang casuality
sa giyerang papasukan ko kumpara sa mga nakabaril. Hahaha
Ibang-iba yung atmosphere sa battlefield na napuntahan ko,
sobrang lapit sa nature. Di ko alam kung anung aasahan ko dito, hmm kung tutuusin ay
minsan ko na rin namang naisip na mamundok at doon gumawa ng mga pagbabago (so
eto na kaya yon?). Sobrang iba to sa inaasahan kong mangyayari sa akin. Sa
totoo lang kasi ay gusto ko sanang mapabilang sa mas hi-ends na mga
battlefields, yung tipong kakailanganing magpabagsag ng sobrang laking robot ng
bitbit kong patalim, pakiramdam ko kasi
ay masyado kong magiging kampante sa lugar na hindi ganun kalaki yung demand
para sa excellence (haha at lumabas nanaman yung hangin ko sa katawan). Sa tingin
ko kasi ay mas ok na mastress sa isang stressful na workplace kesa naman
makaramdam ako ng stress sa isang lugar na halos wala naman talagang conflict (ang totoo ay
natatakot lang akong kainin ng boredom at maging pasimuno ng mga conflict para
magkatrill naman ang buhay-buhay).
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment