“Narito pa rin, patuloy na lumalakad sa isang kalsadang
hindi ko naman talaga alam kung bakit ko pa tinatahak.”
I.Pagbubukas at Pagsasara
Marami
ang natuwa sa kabanatang ito ng aking taon. Maraming nagsasabing maswerte daw
ako at kumpara sa iba ay mas naging konbinyente sa akin ang malubak at malayong
kalyeng aking nasuotan. MAGPATULOY… ito ang salitang binalot ko sa kabuuan ng
aking isipan upang hindi lukubin ng katotohanang nililigaw ko lamang ang aking
atensyon upang pagtakban ang aking mga naging kahinaan sa mga nagdaang panahon.
Pilit na umuusad sa kung saan mang direksyon ako dadalhin, ayoko munang humawak
ng manubela… gusto ko lang hayaan munang maglakad ng maglakad hanggang sa
makakita ng isang pasilyong magbibigay sakin ng rason upang lumiko at magiba ng
direksyon.
II.Hilig at Pangangailangan
Maraming
nag-aakalang ang tagumpay ay ang pagkamit ng mga bagay na hindi lahat ng tao ay
nakagagawa, marahil nga’y matagumpay ka sa mga mata ng mga taong nilunod na ng
ilsuyon at ideyalismong kanilang binuo sa mga isipang ng may ilang dekada na.
Hindi ko alam na ang pinakamahirap palang tukuyin ang yung mga bagay na dapat
sanay matagal ko ng nakabisa. Sino ba talaga ako? Anu-ano ang mga bagay na
aking gusto? Saan ako patutungo?
Akala
ko’y nabubura ng pag-unlad ang mga markang inuukit ng aking mga takot at
agam-agam. Inisip kong ang paghawak sa saliw ng musika na hinihimig ng
karamihan ay magpapagaan at unti unting magbibigay sakin ng matinong direksyon
patungo sa isang sangtuwaryong magpapakita sakin ng kapayapaan at kalahatan ng
aking inaasam na buhay.
III.DESTINED TO MAKE A DIFFERENCE
It
seems to me that I was born for a certain purpose that I must discover soon. I
had lived my life trying to pursue things that are righteous and acceptable in
the eyes of everyone. I’m jailed in always proving my abilities and even
myself; (just like now, by trying to write in this language just to convince
myself that I could still express myself much better to those people around me.)
It’s
quite ironic how life somehow tricked me lately, I aimed to be a part of a
working environment that was progressive and competent… but here I am now, in a
field were competence was the last priority, where most of the people neglect
the thing that I tried to be the best in all my life, a place which reflects
the difference between my ideals and realities, a battlefield which I don’t
really know if it’s worth fighting for at all.
Despite
my struggles lately I still choose to keep moving, trying to think and create a
vision that everything will be in accordance with my ideals soon. One good
thing probably that I had upon being this field is the bunch of people that I
met in the circle, people that shown me the reciprocated manner of life that I
plan to do and beauty that I didn't tried to notice all my life. Yes, it was
like I’m taking a drug that brings me to amnesia every time I enter the circle;
I suddenly forget being me, forget the goals that I tried to create, forget the
things that I wanted to achieve and
forget the system where I wanted to fit in. I don’t know if this would a
dead-end soon but I just hope that this would be a good trail for spelunking
soon. (For the entirety of it really depends on me J)
IV.HEALTH AND WEALTH
Noong
mga nakalipas na araw, sobrang di ko talaga maipaliwanag yung pagsama ng
pakiramdam ko. Naisip ko tuloy ba baka nakikisimpatya lang yung mga body cells
ko sa pagkalito ko kung Masaya ba ko hindi sa mg bagay na ginagawa ko. Mahirap
din palang magkasakit ng may pera kang pinanghahawakan; feeling ko kasi ay nakakadagdag
ng paranoia ang pagkakaroon ng pera kapag may sakit ka. Yung tipong gusto mo
lagging magpacheck-up sa doctor at bumili ng bumili ng mga gamut na pede mong
laklakin para lang bu muti yung pakiramdam mo. Nakakadepress lang isipin pag ok
na yung pakiramdam mo na parang naisahan ka ng mga doctor nung mga times na may
sakit ka, yung para kang nahohold-up ng 300-400 pesos para lang sa ilang
minutong kumustahan at interview. Kung nagkaroon lang kasi sana ko ng chance
para makapagtake ng medicine eh, edi sana ako na yung nanghohold-up ngayon sa
mga pasyente ko hahaha.
V. GROWING UP DOESN’T ENSURES MATURITY
Malaking
difference lately yung napansin ko sa mga naging approach ko sa buhay kumpara
sa mga taong nakapaligid sakin. Hindi ko alam kung sa edad ba naming yung
diperensya kung kaya’t ibang yung mga visions ko kumpara sa kanila. Gusto kung
rin minsang mag-isip sa level ng pagiisip nila yung tipong matured, reliable at
confident. Pakiramdam ko kasi ay ito yung mga traits na required sa bokasyon na
meron ako sa ngayon, yun nga lang ala palang tindahan yung makakapagpautang
sakin ng tingi-tinging maturity.
Hindi
ko alam kung naihanda ba ko ng ilang taon kong pag-aaral sa pagbibigay at
pagbuo ng mga desisyong makakaapekto sa mga taong umaasa sakin. Hindi ko rin
naman kasi gusto yung pakiramdam na para bang lagi silang may inaasahan sakin,
yung parang pag nakikita kanila at may obligasyon ka sa kanila. Makakatakot…
natatakot akong magkamali dahil paniguradong hindi lang ako ang maapektuhan ng
mga pagkakamaling aking magagawa.
VI.AHA MOMENTS
Parang
minulat ako ng taon na ito sa isang mundo hindi ko kalian man napagtuonan ng
pansin. Di ko inakalang magbabyahe nga ako ng araw-araw ng ilang kilometro para
lamang gumanap sa isang bokasyon minsan ko nang sinubok na kalimutan; Tinuruan
ako ng taon na ito na sumakay sa mga pampasaherong transprotasyong punong-puno
ng inconvenience (siksikan, init, hassles); Nagbalangkas ang taon na ito ng
isang bagong living routine para sa akin (bagong oras ng tulog at gising at
bagong mga priorities); Binigyan ako ng taon na ito ng mga bagong iisipin at
poproblemahin bukod sa pag-aantay kung kelan ako tutubuan at mawawalan ng
tigyawat sa mukha; Bumuo ang taon na ito ng mga bagong listahan ng mga bagay na
gusto kong magkaroon at makuha; Pinakilala ako ng taon na ito sa isang mundo
kinapapalooban ng mga taong hindi ko lang sa screen ng netbook makikita(isang
mundong nagparealize sakin na masyadong malayo ang tanaw ko ukol sa tunay na
buhay);Pinilit ako ng taon na itong gumawa ng mga bagay na beyond sa mga bagay
na akala ko ay di ko kayang gawin; Binuksan ng taon na ito ang mga pagkakataong
makabuo ako ng pagbabago at sumubok ng mga bagay na maaaring makagawa ng mga
pagbabago… At higit sa lahat ay pinaalala sa akin ng taon na ito na isa pala
kong TAO… Isang humihinga at nag-iisip
na TAO.
VII. TRASHES
-Mahirap mag-antay ng jeep na may rutang “Fortune Market” sa
Mc Arthur Highway.
-Mahal ang special trip ng tricycle kahit pa walking
distance lang yung bababaan mo.
-Mahirap gumawa ng forms (ito talaga ang pinakawater loo
ko).
-Wala kang karapatang mamili ng jeep kapag byaheng bignay ka
(kahit pa yung jeep eh abot na sa ulo mo yung bubong dahil sa baba).
-Necessity ang pagkakaroon ng matibay na paa sa bignay
(hindi uso yung maiklang lakad pag nasa Bignay ka).
-Hanggang 8pm lang yung transport system sa Bignay (kaya
kailangan eh matapos mo na lahat ng gala mo befor 8pm).
- Pay Day ang pinakamasayang araw sa loob ng isang buwan, at
yung week before the Pay Day ang pinakataghirap na petsa para sa karamihan(Ito
rin yung season ng mga pangungutang).
-Marami kang mabibili sa loob ng Faculty Room daig pa yung
SM supermalls.
-Mahirap maningil ng kahit ano sa mga katrabaho mo, kaya
siguraduhing maniningil ka kapg Pay Day o di kaya naman ay tuwing may bonus
kayong natanggap.
No comments:
Post a Comment