Friday, February 21, 2014

Nalulunod sa mga Salitang Walang Letra (March Emptiness Syndrome)

Hindi ko alam kung normal ba talaga sa tao ang pakiramdam na ito,
Yung tipong hindi ko alam yung gusto kong mangyare at  di ko rin alam kung paano makakaiwas,
Lately eh nagbabayad nanaman ang nalalapit na March Emptimess Syndrome ko.
Ang akala ko noon ay dala lang ng pagiging estudyante yung pagiging malungkutin ko tuwing buwan ng Marso, pero lately eh parang nararamdaman ko nanaman yung syndrome... Hais

JS Promenade:
Akala ko'y babawi sa mga inagaw na pagkakataon ng aking highschool life,
Yun pala'y siya lamang magpapatunay ng krisis sa quarter life.
Masaya dapat ako, yung ang sa isip ko'y tinatak,
Ngunit bakit sa buong gabi'y hindi man lang nagawang humalakhak.

Akala ko'y sa loob lang ng classroom makadarama ng pressure,
Pero bakit ganun? sa lahat ng oras ay kinailangan kong magmukhang treasure?
Hindi pa nakisama ang real-life setting,
Pagkat kinaroroonan ko'y tila sobrang hirap marating.
Dinagdagan pa ng medyo malas na scenarios,
Kung kaya't lalo akong nagkalito-lito

Paggising ko kanina ay akala ko'y tumama,
Ngunit ng mahimasmasan ay nakitang ang naging desisyon pala'y kay sama.
Muntik nang isumpa ang naging karanasan,
Pagkat kasiyaha'y lubhang kulang, at sa mga kaganapa'y nahuli,
Gabi ng panghihinayang sadyang puno ng pagsisisi.

Bakit kaya ganon? Ang akala ko ba'y ang HAPPINESS ay wala key?
Pero bakit ang nakaharang sakin ay pintuang kay LAKI!?
Hmp...



2 comments:

  1. wala man lang bang clue pete? hehehe
    gusto ko sana ng mas detalyadong kuwento :)

    aabangan ko yan :)

    ReplyDelete
  2. haha,, soon jeff hehe,, grabe sa ganito nalang talaga tayo nakakapagmeet en greet hehe

    ReplyDelete