Monday, February 24, 2014

PILIpilipete Pretzels

"Ive been making a lot of choosing lately... choices that even myself could not distinguish if its really necessary."

Paalam na kahapon pagkat kay layo na pala ng ngayon... ito na naman ata ang theme song ng buhay ko lately. Hindi ko alam kung dala lang ito ng nalalapit na bugso ng March Emptiness Symdrome o normal lang talaga sa mga taong nasa edad ko ang maradama ng ganito. Malito.Mahilo. At halos magkandaloko-loko.

Mag-aaral o hindi na mag-aaral?
Handa na ba akong gumastos at magpakahirap para sa karagdagang dangal?
Pano kung sa daang pipiliin at magmukhang hangal?
Matatawag ko pa kaya ang buhay na itong marangal?

Hindi ko naman talaga  ganoon kaalaman kung bakit pa ito pinipilit,
Kung obvious namang ang dadalhin nito puros pasakit!
Paghahanda daw ito sa mundong napaka lupit,
Upang sa dulo'y sa pagsisisi'y hindi sumapit.

*********
Safe Zone o War Zone?
Iyan ang sa akin ay isa pang pinapipili.
Kung sa akin lang ay lumaban at mahirapan ay kagustuhang hindi kinukubli,
Ngunit bakit ang paligid ko ay humihiyaw na mali ang pinili!
Gusto ko sa mahirap na daan pagkat ito sa tingin ang mas kawili-wili,
Kaysa magpaagos sa payapang batis na walang man lang silbi.

Ngayon ay kailangang manindigan sa aking naging desisyon,
Wala nang magagawa kahit magrally pa ang buong nasyon.
Tutal naman ako'y na pasubo na sa isang mabigat na bokasyon,
Mas mabuti na rin sigurong magpakareyalistiko at umiwas sa mga ilusyon.
Buhay ay maraming pang hatid na pagpipilian at hindi dapat isentro sa pansariling ambisyon,
Lawakan ang pag-iisip maging matapang at ng hindi makulong sa delusyon.

*********
OO na may tango o HINDI na may iling,
Simpleng mga gestures kapag sayo ay may humihiling.
Madaling sabihin at gawin ngunit bakit tila kayhirap panindigan,
Pagkat pagkatapos nito'y panigurado'y magdadala ng kalituhan.

Magpapakatotoo ba sa tunay na nararamdaman?
O pipiliing magmukhang mabuti sa mukha nino man?
Kailangan ko ata ngayon ay isang kilong katapangan,
Upang malunasan ang hirap na nararanasan.
Halika! piliin natin ang pagiging MASAYA!
Kahit pa ang ibig sabihin nito ay ang posibilidad na mawawalan ka ng MAKAKASAMA!


2 comments:

  1. go pete! mag-aral ka na ng MA, kung may budget nga lang ako baka sumabay pa ako sayo hehe :)

    kilala naman kita na sinusunod kung ano ang sa tingin mong tama at kailangan mong gawin, "just do it!" ika nga,

    safe zone or war zone? wala na bang iba pang details?
    kung saan mo man gusto, piliin mo kung nasaan ang puso at isip mo (wow haha, kung makapagpayo kala mo alam na alam ko ang nangyayari haha)

    nakakatuwa, sa ganitong paraan na lang tayo nakakapag-usap :)

    i'll be waiting for more stories hehe :)

    ReplyDelete
  2. haha,,mas ako yan kung live kong maikukwento sayo with may pamatay na mga gestures! haha... sayo rin magsabog kapa ng more positivities sa mga posts mo kailangan namin yan pambalanse sa mga stress at negativities hehe ^.^

    ReplyDelete