Thursday, January 10, 2013

"AHA" MOMENTS OF 2012


“AHA” : Isang ekspresyon na indikasyon ng pagkakadiskubre ng isang bagay. Isang uri din ng paraan ng pagkatuto para sa mga taong nag-aaral ng edukasyon (AHA Learning).
Parte na siguro ng buhay ang pagkatuto kahit pa sa paglabas natin sa ating kani-kaniyang mga silid aralan. Sabi nga nila diba, dalawang magkasalungat na subject ang pag-aaral at ang tunay na buhay. Sa pag-aaral kasi ay nasanay na tayong binibigay muna ang mga lesson bago ang mga test/examination; samantalang sa buhay naman ay nauuna muna tayong makaranas ng mga test(sa porma ng pagsubok) bago natin maunawaan ang mga aral na kalakip nito. Nuong nakaraan 2012 may ilang mga AHA moments din akong naranasan sa kabuuan ng taong iyon.

…Mahirap ipunin ang mga bagay o tao pagkalabas nito ng paaralan. Kung tutuusin kasi ay kahit iisa lang ang dating mga aktibidad ng mga tao/bagay na ito sa loob ng paaralan ay parang may automatic reset na ang lahat pagtungtong ng lahat ng mga ito patungo sa labas ng paaralan.
… Hindi totoong mahirap humanap ng trabaho, mapili lang talaga ang mga naghahanap ng trabaho. Haha ayaw ko mang aminin eh based on personal experience ang AHA moments na ito.
…Kahit ang mga waterproof na bagay ay sumusuko rin sa matinding pagkakabasa. Ikaw ba naman kasi ang bisitahin ng baha ng halos buong linggo, kung di ka pa mapasumuko ng matinding kabasaan.
…Kapag matanda kana, laging maghanda ng sagot sa tanung na ito kapag may mga gatherings: Ano/Saan ka nagtatrabaho?... kung walang kang maisasagot, mabuting magpractice ka nalang ng poker face na ngiti para matapos na lang ang usapan.
…Walang bagay na hindi nakakasawa, kahit gano mo pa kagusto ang mga bagay sa paligid mo ay darating din ang panahon na mauumay ka sa mga ito.
…”No man can live alone.” Kailangan talaga ng kahit sino ang group of friends, mahirap kasi magcelebrate ng mga milestone mo sa buhay kung mag-isa ka lang.P.S mahirap din lalong manuod ng pelikula ni Vice Ganda ng mag-isa kalang.
…Hindi nakakabuti sa kalusugan ang pakikibalita, dapat laging siguraduhin mong wala kang bahid ng insecurities sa katawan kapag nakikibalita ka dahil kung hindi eh depression ang malamang na abutin mo.
…Kumokonti ang numero sa kalendaryo kapag hindi ka lumalabas ng bahay,lalo na kung nakabuo ka na ng sarili mong routine para sa dalawangpu’t apat na oras mo kada araw.
…Di totoo na end of the world na ang 12-21-12. (malamang nababasa mo pa nga yung blog ko eh.)
…Kapag tumatanda na ang mga tao eh mas tumataas na yung level para maging happy sila. Kung minsan di na tumatalab ang chocolate para pasayahin ka.
…Never nakokontento ang tao, kahit ganu pa karaming bagay ang ibagay mo sa kanila, maghahangad at maghahangad parin sila ng iba pa.
…Mahirap mahanapin kung anu talaga ang gusto mo, minsan nga naiisip kong wala naman talaga tayong konkretong gusto sa buhay, ginugusto lang natin ang karamihan sa mga pangarap natin dahil yun na yung stereotype na pangarap ng karamihan.(Natural kasi satin ang hilig sa kung anung uso)

…Kapag  masaya ka, tumawa kalang. Wag kang lilingon pa sa iba kapag masaya ka, dahil nakakabawas ng happiness ang thoughts ng ibang tao.
…And lastly; Mas mabuti sigurong mabuhay na parang bulag,pipe at binge, para mas maappreciate natin kung ano yung mga meron tayo, mas maramdaman natin yung mga tunay na nasaloob natin, maiwasan nating maanod ng idealism ng iba at higit sa lahat eh maiwasan nating makapagbitiwan ng mga salitang makakasakit ng iba na madalas nating pinagsisisihan sa tuwing matatapos na ang taon.

                                                       ************************

2 comments:

  1. i agree!
    at ang lahat ng mga iyan ay dulot ng pagkatuto mula sa totoong buhay :)

    minsan talaga ang buhay ay di lamang sa kung 'ano' ang meron ka, madalas at higit na mahalaga ay kung 'sino' ka na ngayon mula sa lahat ng ipinaranas sa iyo ng buhay na 'to...

    kaya nga lagi kong sinasabi at sinusulat sa GM notebook ang linyang-

    "keep growing!"

    hehe, kitakits soon :)

    ReplyDelete
  2. haha,, kitakits sa cyberworld hehe. nakakatawa lang na sa mga comments nalang tayo nagkikita, mukhang malaki nga ang mundo sa labas kumpara sa loob ng PLV, hehe senyales na nagsisipagtandaan na tayong mga Kabio ^>^

    ReplyDelete