Monday, January 21, 2013

1000th Day of Uncertainty, Detour sa ValSci





Kilala mo ba si Mitsuwi?, Sya yung isa sa mga naging kalaban ni Eugene sa Ghost Figther. Sya yung may Pitong katauhan kuno, ang galling diba? Tinalo na yung mga bi-polar sa pagiging abnormal. Minsan naisip kong masarap sigurong mabuhay kung meron din akong iba pang katauhan, yung tipong kapag burned-out ka na sa buhay mo eh isang pitik lang ay pede ka ng magpasubstitute sa isa pang katauhan mo para makapagrefresh naman yun iba mo pang katauhan, ang astig nun diba!?

KOOOOOTIIIIIIILAAAAAAAOOOOOK... gaya ng dati ay ginising nanaman ako ng sampal ng mainit na sinag na araw na pumapasok sa higaan ko, siguro ay nasa lagpas alas otso na, naririrnig ko na kasi yung theme song ng Kris TV eh. Gaya ng dati sisimulan ko ang araw sa pagmumuni-muni, iisipin kung anong pedeng gawin para sa araw na yon; iisipin kung may pagbabago pa nga bang darating. Haharap sa isang hapag-kainang puno ng mga makakain na wari ba’y lalong nagpapaguilty sayo. Tila ba’y sa bawat subo mo’y nagwewelga yung mga pagkain sa pinggan mo dahil sa hindi mo naman daw sila deserve kainin.

Bumibilang ng ilang araw bago ako sumakay muli ng jeep o di kaya nama’y bus; puros pedicab at tricycle lang kasi ang nagsasakay sa lahat ng klase ng tao simula sa mga professionals hanggang sa pinakababa.Maraming realization ang dinadala ng pagsakay ng bus o di kaya naman ay jeep, andyang maiisip mo yung pede mong gawin sa future o di kaya nama’y yung mga dating experiences mo habang tinatahak ang kahabaan ng McArthur Highway. Sa ganitong mga pagkakataon ay parang may ok pang magka-amnesia habang nagrereminisce, di mo kasi maiiwasan ang ilang bakas ng reyalidad na nakakalat sa kalsada. Mga reyalidad na maaring makapagpaalala sayo ng mga dati mong pangarap, estado mo sa kasalukuyang karera ng buhay o di kaya naman ay mga endless possibilities tulad nga ng sabi nila.

Sa bilis ng takbo ng oras sa loob ng isang araw, ikaw mismo ay mahihirapang gumawa ng konkretong plano para gugulin ang bawat segundo sa loob ng isang araw sa pinakaproduktibong paraan. Parang kada kurap kasi ng mga mata natin ay may mga bagay na nababago at sa bawat kurap natin ay mga ilang segundo na agad ang nakawala sa ating mga kamalayan. Mahirap talaga ang makipagpagalingan sa panahon, gaya ng hirap sa pakikipabuno sa pagbabago.

Gabi nanaman, isang rason para malungkot ang karamihan sa atin; yung tipong lagi kang mapapatanong kapag nakita mong lulubog na ulit yung araw … Isang araw nanaman pala yung lumipas anu bang nagawa ko ngayong araw? Sa sobrang hirap ng pagjajustify ng silbi mo sa mundo nung araw na yon ay di mo mamamalayang nakaubos ka nanaman ng isa pang araw sa pag-iisip. Ito na marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming may insomnia, maraming tambay sa gabi at kung bakit malakas parin ang sales ng mga anti-depresant at mga sleeping piles.

                                                XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Ilan lang to sa mga eksena nung mga pagkakataong
nagoobserve kami sa Valsci.
DATE: January 17, 2013 
LOCATION: Valenzuela City Science Highschool
TIME: 10:00 am

Pumunta ako kanina sa Valenzuela City Science Highschool, after quite some times nakahanap na naman ako ng rason para magkasilbi sa mundong ibabaw. Inayos ko kasi yung application process ng pinsan ko para sa entarance exam ng Valsci. Nakakatuwa lang nung naglalakad ako sa kalsada ng Bernabe papuntang eskwelahan; feeling ko college ako ulit; feeling ko ay magoobserve lang ulit ako sa Valsci haha. Pagpasok sa gate gaya ng dati eh mababait parin yung mga guards nila, todo assists parin as usual hehe, iniikot ko yung tingin ko sa buong school… INHALE… EXHALE nakakamiss din pala yung atmosphere ng stressfulful environment. Nakakamiss yung amoy sa skol, yung amoy ng pentel, ng plastic cover,ng mga estudyante at nung patisan sa tabi ng school ng Valsci haha. Siguro kung di lang ako naging pasaway ay sa ganung environment umikot yung buhay ko hanggang sa ngayon hehe. Dumiretso kami sa registrar, for some reason eh parang at home yung feeling sa school di gaya ng dati na halos matrauma ko sa pagpasok dun siguro a part of me just miss  it(pero small part lang yung mga kamalayan ko, yung tipong micro particle lang haha ).

Nakakatuwa rin makita ulit yung ilang pamilyar na mukha lalo na kapag narerecognized ka pa nila; yung mga dating proffesors mo, collegues at mga kaibigan.May ibang dating talaga yung pagpunta ko sa Valsci kanina, weird yung feeling na after ilang years ay mababalikan mo yung mga bagay na pinilit mong iwasan. Syempre sinulit ko na yung pagpunta ko dun, siniguradong kong mapupuntahan ko yung mga dating spot na pinupuntahan namin dun yung lab, clinic, canteen at guard house. Maraming realizations ang binigay sakin nung ilang oras na pagdaan ko sa Valsci, parang nagtime travel lang ako sa dating routines ko, yung dating pagkatao ko at yung present status ng buhay ko.
Ganito siguro ang datingan ko ngayon
 kung natuloy ako sa pagtuturo.
Starring Goivanie Dacasin

Naisip ko tuloy na baka nga totoo yung kasabihang minsang naishare sakin nung highschool teacher ko na…”Kadalasan sa sentro ng malakas na bagyo natin natatagpuan ang katahimikan at kapayapaan.”

Wanna Grow Old With You (Lola Sambu's Chronicle)




Minsa’y may isang magkasintahang kayumanggi’t naiiba.

May natatanging istorya ng pagsusumpaa’t pag-iisa.
Natatanging pag-ibig na kung hamak-hamakin ng iba,

Pag-ibig na ubod lang ng simple at puno ng saya.
Na walang anuman ang makapahihiwalay; ang minsa’y naging sumpaan nila.
Wala mang makain at luho na gaya ng sa iba.
Mang at Manang  ang naging bansag sa kanila;
At sa tanda ng pag-ibig tila ba ito ay nawalan na ng halaga.
Sa paglipas ng panahon at ang buong paligid ay lahat ng naiba.
Paglipas ng sinumpaan ay walang-wala sa kanila.
Ng minsan kong tanungin kung sila pa ba ay masaya?
Minsang ginhawa at tila puros hirap na dinaranas ng buhay nila.
Ginhawang pangarap ng marami sa atin tila ba wala na sa kanila
Pangarap lamang ay maging laging magkasama at masaya.
Lamang ang karamihan sa mga kaedaran nila kapag itinabi sa dalawa.
Ang tanging pakunswelo ay ang tunay na ligaya na nadarama nila.

Tanging bagay na pinahahalagahan nila ay aking kinamanghaan;
Bagay na tila ba di kailan man napapansin man lang.
Na mabuhay ng kontento, simple at masaya!
Mabuhay ng ilang dekada basta laging magkasama sila.
Ng walang ibang iniisip kundi ang sariling ligaya at hindi ang sinasabi ng iba.

Thursday, January 10, 2013

Brace Yourself Madam Auring!

Paunawa: Hindi po ako ang nilalang na nasa litratong ito.

Bilang uso naman ang mga prediksyon tuwing simula ng taon, at dati rin naman akong nahilig kay Nostradamus. Gumawa rin ako ng mga hulang sa tingin ko’y magaganap ngayon 2013:

1. Sa dami ng bagyo nung 2012, mukhang tagtuyot naman ang mararanasan natin pagkatapos ng first quarter ng taon.
2. Ilan lang ang mga bagong mukha na mananalo sa eleksyon,aminin man natin o sa hindi eh bulag parin ang mga Pilipino sa wastong pagboto; Magiging maingay ang eleksyon sa Maynila maraming lalabas na baho at isyu ng katiwalian bago mageleksyon.
3. Gustuhin ko man sanang mamatay na si Gloria eh mukhang matatahimik ang buhay nya this year(busy kasi ang lahat sa eleksyon), mukhang mananalo parin sya sampu ng kanyang mga korakot na angkan.
4. May mabubuntis na batang artista! (Taon-taon naman nangyayare yun diba?)
5. Minsan ko ng napanaginipan na magluluksa ang “Eat Bulaga” kung bakit at kung dahil kanino? Di ko pa alam.
6. Maghihiwalay na sila Marian Rivera at Dingdong Dantes!, bilang di naman nila ko fan.
7. Di na papatok ang show na WoWoWillie, masyado kasing ambisyosong tumapat sa noontime slot.
8. Muling sisikat yung mga pinoy superheroes, bilang mukhang yon ang theme ng lahat ng station this year.
9. Mananalo ang Rain or Shine sa PBA Finals, sobrang swerte naman kasi ni Coach Norman Black kung pati sa PBA eh mananalo pa yun team nya.
10. May mateteging matandang artista, malamang ay sa mga initials na G,E,A,B at R.
11. May mambobomba nanaman sa USA, bilang mga biyolente na yung mga tao dun ngayon.
12. Mas magiging ok ang takbo ng gobyerno; aminin man natin o sa hindi eh unti-unti na nating nakikita yung bunga ng matuwid na daan ni Pres. Aquino.
13. Speaking of Aquino, magkakajowa na ulit si Kris Aquino! Kung magtatagal? Di ko alam.
14.Magkakabalikan sila Vicky Belo at Hayden Kho( though wala ng may pakialam sa love life nila).
15. Magkakapera tayo! Kapag nagsipag tayo sa pagtatrabaho; Dadami ang pera natin! Kung mag-iipon tayo at Magiging Masaya ang buong taon na ito! Kung di tayo papatalo sa lungkot.


                                                 XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXO

"AHA" MOMENTS OF 2012


“AHA” : Isang ekspresyon na indikasyon ng pagkakadiskubre ng isang bagay. Isang uri din ng paraan ng pagkatuto para sa mga taong nag-aaral ng edukasyon (AHA Learning).
Parte na siguro ng buhay ang pagkatuto kahit pa sa paglabas natin sa ating kani-kaniyang mga silid aralan. Sabi nga nila diba, dalawang magkasalungat na subject ang pag-aaral at ang tunay na buhay. Sa pag-aaral kasi ay nasanay na tayong binibigay muna ang mga lesson bago ang mga test/examination; samantalang sa buhay naman ay nauuna muna tayong makaranas ng mga test(sa porma ng pagsubok) bago natin maunawaan ang mga aral na kalakip nito. Nuong nakaraan 2012 may ilang mga AHA moments din akong naranasan sa kabuuan ng taong iyon.

…Mahirap ipunin ang mga bagay o tao pagkalabas nito ng paaralan. Kung tutuusin kasi ay kahit iisa lang ang dating mga aktibidad ng mga tao/bagay na ito sa loob ng paaralan ay parang may automatic reset na ang lahat pagtungtong ng lahat ng mga ito patungo sa labas ng paaralan.
… Hindi totoong mahirap humanap ng trabaho, mapili lang talaga ang mga naghahanap ng trabaho. Haha ayaw ko mang aminin eh based on personal experience ang AHA moments na ito.
…Kahit ang mga waterproof na bagay ay sumusuko rin sa matinding pagkakabasa. Ikaw ba naman kasi ang bisitahin ng baha ng halos buong linggo, kung di ka pa mapasumuko ng matinding kabasaan.
…Kapag matanda kana, laging maghanda ng sagot sa tanung na ito kapag may mga gatherings: Ano/Saan ka nagtatrabaho?... kung walang kang maisasagot, mabuting magpractice ka nalang ng poker face na ngiti para matapos na lang ang usapan.
…Walang bagay na hindi nakakasawa, kahit gano mo pa kagusto ang mga bagay sa paligid mo ay darating din ang panahon na mauumay ka sa mga ito.
…”No man can live alone.” Kailangan talaga ng kahit sino ang group of friends, mahirap kasi magcelebrate ng mga milestone mo sa buhay kung mag-isa ka lang.P.S mahirap din lalong manuod ng pelikula ni Vice Ganda ng mag-isa kalang.
…Hindi nakakabuti sa kalusugan ang pakikibalita, dapat laging siguraduhin mong wala kang bahid ng insecurities sa katawan kapag nakikibalita ka dahil kung hindi eh depression ang malamang na abutin mo.
…Kumokonti ang numero sa kalendaryo kapag hindi ka lumalabas ng bahay,lalo na kung nakabuo ka na ng sarili mong routine para sa dalawangpu’t apat na oras mo kada araw.
…Di totoo na end of the world na ang 12-21-12. (malamang nababasa mo pa nga yung blog ko eh.)
…Kapag tumatanda na ang mga tao eh mas tumataas na yung level para maging happy sila. Kung minsan di na tumatalab ang chocolate para pasayahin ka.
…Never nakokontento ang tao, kahit ganu pa karaming bagay ang ibagay mo sa kanila, maghahangad at maghahangad parin sila ng iba pa.
…Mahirap mahanapin kung anu talaga ang gusto mo, minsan nga naiisip kong wala naman talaga tayong konkretong gusto sa buhay, ginugusto lang natin ang karamihan sa mga pangarap natin dahil yun na yung stereotype na pangarap ng karamihan.(Natural kasi satin ang hilig sa kung anung uso)

…Kapag  masaya ka, tumawa kalang. Wag kang lilingon pa sa iba kapag masaya ka, dahil nakakabawas ng happiness ang thoughts ng ibang tao.
…And lastly; Mas mabuti sigurong mabuhay na parang bulag,pipe at binge, para mas maappreciate natin kung ano yung mga meron tayo, mas maramdaman natin yung mga tunay na nasaloob natin, maiwasan nating maanod ng idealism ng iba at higit sa lahat eh maiwasan nating makapagbitiwan ng mga salitang makakasakit ng iba na madalas nating pinagsisisihan sa tuwing matatapos na ang taon.

                                                       ************************