Wednesday, May 14, 2014

18 Days of Being Masukista

Life is a never ending chase towards greatness, and to be great one must do something that the crowd never imagined doing and always choosing to be at your best effort at times when everybody else had chosen to stop”





                Hindi ko alam kung bakit sa inbersidad na ito ako dinala ng aking mga paa; siguro iyon na ata yung tinatawag nilang “DESTINY”. Ang totoo’y ang plano ko lang talaga ay matry na magbuhay studyanteng muli, mastress pagrereview, makakilala ng mga bagong kaklase, makakita ng mga bagong bagay na magpapahanga sa akin at maupo sa harap ng pisara hanggang sa uminit ang aking puwetan.

DAY 1
                Mahirap talagang mag-aral sa malayong lugar, bukod sa kailangan mong gumising ng maaga ay marami ka ring factors na icoconsider para hindi ka malate (tulad ng pila sa LRT, traffic sa kanto, mabagal na driver, gahaman na driver at atmospheric situation). Parang hilong talilong na ko nung unang klase ko sa first day, kaso wala naman akong choice kung icompose ang sarili ko dahil wala pa kong kakilala at all (all by myself lang ang peg haha). Mahirap din piliting magpakaseryoso kahit hindi naman talaga piling ko kasi lahat sila ay seryoso,,, ADVANCED STATISTICS ang una kong subject yun lang kasi ang pamilyar na subject sa kabuuan ng prospectus namin kaya yun ang kinuha ko.
                OK, naman yung klase, may mga nakajive din naman ako agad na mga kaedaran ko sa first daw palang. Nawindang lang ako sa kalakaran ng first class hindi ko inaakalang pede palang ipaassignment ang summary ng isang libro, at wala akng karapatang umangal dahil parang normal lang naman yung ganun sa mga kasama ko sa room. Dahil wala naman akong choice eh nakisunod nalang akong sa tingin ko naman ay kakayanin ko kaya go lang ng go!
                Ang nakalimutan ko lang nung araw na yun ay may isa papala kong subject, kaya yung akala kong kakayanin ko na eh parang hindi na pala. Halos matunay naman sa concepts yung next class ko, yung tipong yung mga akala todo na sa turo ay hindi pala. Sa isang banda ay natuwa pa rin naman ako, kasi ngayon ko nalang ulit naranasan na mabombard ng todo-todo sa concepts nakakatuwang nakakabaliw yung feeling haha.
                Ang ending,,, plakda ako pagdating sa bahay naming. Pagod sa byahe, drained mentally at feeling ko ay sumagad hanggang microfilaments ko yung pressure. Pero wala akong ibang choice may pasok pa bukas at maraming beses ko pa kailangang gawin ito.


STRUGGLE DAYS:

                Lutang ako ng mga sumunod na araw, although nakakasabay naman ako sa agos eh parang hindi ko naman maramdaman yung sarili ko nung mga sumunod na mga araw. Isa sa mga di ko malilimutan nung mga panahon nay un ay yung lecture naming sa Environmental Science. NAPARAMING CCONCEPTS!, sa dami nun ay parang kailangan ko ng spare na utak pangreserba if ever na sumuko yung isa ay  may matitira pa sakin. Dahil parang walang na kong magagawa sa teaching style na nila ay inenjoy ko nalang. Nakinig lang ako. Hinayaan ko iabsorb ng utak ko lahat ng kaya nya, tandang-tanda ko pa nun na nasa monumento na ko ay tsaka ko palang nabasorb yung ibang dinicuss   ng prof. namin ASTIG talaga yung moment na yun, para lang akong baliw hahaha.
                Ilang beses ko ring naisip na magdrop nalang gawa ng medyo mahirap natalaga yung possible scenarios na kailangan kong pagdaanan. Nandyang huminto ako sa simbahan para humingi ng sign, umisip ng dahilan para magtransfer at pilitin ang sarili kong bitiwan na yung pride ko. Hindi ko rin maisip sa ngayon kung ano ba yung nagging driving force ko para magtuloy-tuloy parin sa pagpasok. Sa isang banda naisp ko, baka masukista nga ata ako kasi magnaenjoy ko yung fact na halos tunawin na yung utak ko sa concept at sa dami ng dapat naiacomplish, na sa huli ay naitatawa ko nalang yung lahat ng hirap ko kada araw.
                Isa lang yun napatunayan ko nung mga panahon na iyon, marahil ay yung nagpapahirap alng talaga sa mga taong nasa ganung stwasyon ay yung patunay na pagkumpara ng sarili nila sa iba at pagsasabuhay ng standards ng ibang tao. I HAD CHOOSEN TO BE NORMAL, RELAX LANG AT WALANG DAPAT PATUNAYAN KAHIT KANINO. This time ay inenjoy ko lang talaga yung moments.


RAINBOW AFTER THE RAIN:
               


Yung mga last days ng summer class yung medyo naenjoy ko. Despite sa kabi-kabilang deadlines exams at conflicts sa trabaho ko ay mas nafeel ko ulit yung pagiging studyante nung mga time na yon. Ilang lang to sa mga memorable moments nung mga time na to:



1.       Kumuha ng multiple choice na pre-finals exams na tatlo lang ang pumasa (and guess what? Gumana nanaman once again ang aking tsambero skills hehe).
2.       Gumawa ng journal reviews na hundred pages within several days lang (though ginamitan ko sya ng trick to be more convinient hehe).
3.       Magklase sa PNU ng 2pm hanggang 10pm tapos diretso na sa emersion by 12 midnight.
4.       Umakyat ng mountain trail na buwis buhay sa tarik at haba.
5.       Pumasok sa kwebang puno ng ipis, paniki at poops (ng paniki) haha.
6.       Mapalutang-lutang sa Pacific Ocean kahit pa alam ko naming di talaga
 ko marunong lumangoy at all.
7.       Makipaginuman sa mga professors ng PNU.
8.       At ang pinakamasayang part sa lahat, MAGKAROON NG BAGONG CIRCLE OF FRIENDS ... tulad ng nung post ko after ng emersion...



“The best part of being a science major is having that connection with your colleagues, people whom you share thought and explanation that everyone could relate to, discuss everything under the sun with common insights and make fun of almost everything under the sun; defying the length of time that you’ve been together.”


*****
                Bilang conclusion (naks parang formal write -up), masasabi ko namang naging successful yung unang sem ko sa Graduate School. Although marami akong nasakripisyo sa loob ng halos 18 days na iyon, feeling ko naman worthy yung mga sakripisyo ko at masaya naman ako sa naging mga karanasan ko sa loob ng mga araw na iyon. Pinagdarasal ko nalang sana mga susunod na semester ay ganun pa rin yung experience MAHIRAP KUMPARA SA IBA, PUNO NG PRESSURE SA BAWAT ASIGNATURA PERO SA HULI ANG BAWAT EXPERIENCES AT MEMORABLE AT MASAYA.





Saturday, April 5, 2014

PNU nga ba ang daan?

“Isang pagkakataon kung saan ang lahat ng tama ay unti-unting nag-iiba ng mukha at nagiging mali. Pagkakataon kung kelan lahat ng iyong pinapangarap at inaasam ay tila ba'y nagiging pansariling bangungot nagugustuhin mong takasan."

Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng natural na takot para sa mga unang pagkakataong gagawin natin ang mga bagong bagay, o isang katibayan lamang na hindi ganoon katindi ang tiwala ko sa aking sarili at magiging sa mga bagay na pinaniniwalaan ko.

Habang nasa harap ng cashier ng isang unibersidad, hindi ko maipaliwanag kung bakit tila baa yaw kong iabot yung hawak kong limang libo sa teller. Hindi naman sa wala akong tiwala sa teller na yon, pero parang nagflashback kasi lahat ng pinagdaanan ko noong araw na yon bago ko pa maabot yung mismong harapan ng cashier na yon. Yung pagpila ko sa baba palang ng LRT 1 para lang makasakay, pagsiksik ng sarili ko sa sobrang sikip na tren para lang maka-usad sa destinasyon ko , paglalakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw, pasagot ng maraming forms, pagkagulat sa mga nakakalulang mga subjects na ngayon ko lan narinig, at sobrang takot dahil sa sobrang pressure at stress na dala ng lugar na iyon.


Sa huli ay napilitan din akong bitiwan ang perang hawak ko dahil yung teller na mismo ang kumuha nito sa kamay ko. Nakakatakot din yung tunog ng prnter nung resibo, parang paulit-ulit nitong sinasabing heto na ang simula handa ka naba?! (tapos parang bumilis yung takbo ng isip ko at napuno ng mga options na tila sinasabi saking batuhin ko yung printer para di matapos yung papiprint ng resibo ko at ng makapag-isip pa ako)... pero sa huli eh wala parin akong nagawa lumabas parin yung resibo, at sinampal sa akin ang malaking salitang nakacapslock pa: ENROLLED! (napaisip pa ko kung tama ba spelling nila pero dahil gutom at pagod na ko noong mga oras na iyon ay pinili ko nalang umuwi na ng bahay para doon ko na pagmunihan yung ginawa kong move noong araw na yon).

"Dahil ako'y nabubuhay sa isang mundong hindi ginawa sa lawa ng arnibal, hinubog ng panahong puno ng pait at halos sa lasa'y kulang,natutong mabuhay sa mundo na pasulong at hindi paurong. Sa ngayon, walang magagawa kungdi tiisin ang mapait na lasang sinusuka ng iba upang sa huli ay ang akin namang mundo ang mapuno ng matamis na lasang kailan man at di matitikman ng iba!"

Wednesday, April 2, 2014

Palaruan sa Loob ng Utak ko (Halika Laro Tayo!)

"Nakasabit sa isang lumang jeepney na punong-puno ng mga pasahero, mga nakakandong na bata, timba ng isda at ilang plastic ng mga tinapay." Pauwi sa bahay dahil inabot na ng tanghalian sa pinuntahan... wala na dapat akong gawin sa pagsapit ng hapon... gaya ng dati tulad ng mga taong nakapaligid sa akin doon"
"Lukot-lukot na ang kanina'y plansyado kong damit, amoy pawis na ang katawang pinahidan ng pabango at nahiihilo na dahil sa tindi ng init at halo-halong amoy ng ibat' ibang tao."

"Pilit na humahanap ng mga taong iniisip kong tuturuan, madalas na umaasang may darating na bubuhay sa hilig kong makipagtunggalian; isang batang susubok sa akin at magdadala sa akin sa pansariling pag-unlad; nangangarap na minsan ay darating ang araw na nakakagawa ako ng pagbabagong hindi nagawa ng mga taong nilamon na ng kawalang gana at konbensyonalidad"

"Napapagod sa mga bagay na wala naman talagang mabigat na halaga, umaangal sa mga gawaing kung tutuusin ay madali lang naman talaga... unti-unting naluluma, lalulusaw at tila ba'y utak ko'y nagsasabaw."

"Bumubuo ng mga pangarap para sa iba na akala ko'y pagdating ang araw ay magiging bagay na sa hinaharap ay ikokonsidera nila, gusto-gusto ko nang ipahiram minsan ang sariling utak upang maunawaan nila ang mga bagay na hindi nila nakikitang mahalaga"

"Nagagalit sa mga pagkakataong namamaliit ngunit wala ka namang magawa dahil ang isyu dito'y hindi na lamang ako bagkus ang pangkalahatang gawa ng bawat isa."

"Pinipigil ang nagsusumigaw na kagustuhang manguna sa paggawa ng lihis sa mga nakasanayan na; Iniipon ang pag-asang sa darating na mga panahon sisibol din ang mga taong tutulong sa akin na pagtulak ng pagiging iba."

"Halos tamarin na sa paggawa, pagpaplano at pagiisip na darating ang panahon para sa amin; Pagbabago hindi lamang sa akin bagkus sa bawat isa sa amin"

"Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dapat kumapit sa mga bagay na ito; pero pilit kong papasanin ang mga pagbabagong ito hanggang ako'y narito (Pero hanggang kailan ko kaya matatagalan ang ganito?); Mangiinis ng mga taong napatulog na ng kawalang gana; Mang-aaway ng mga taong sa pagtulong at pagbabago ay walang pakikibaka."

"ANG LAKAS KO!, kapag ako'y nandito sa loob ng isip ko. Pero kapag sa totoo na'y wala na akong reklamo... sumusunod sa mga taong nagpapakaAMO,, pinagmumukhang matalino ang mga taong nuknukan naman ng BOBO."

Monday, February 24, 2014

PILIpilipete Pretzels

"Ive been making a lot of choosing lately... choices that even myself could not distinguish if its really necessary."

Paalam na kahapon pagkat kay layo na pala ng ngayon... ito na naman ata ang theme song ng buhay ko lately. Hindi ko alam kung dala lang ito ng nalalapit na bugso ng March Emptiness Symdrome o normal lang talaga sa mga taong nasa edad ko ang maradama ng ganito. Malito.Mahilo. At halos magkandaloko-loko.

Mag-aaral o hindi na mag-aaral?
Handa na ba akong gumastos at magpakahirap para sa karagdagang dangal?
Pano kung sa daang pipiliin at magmukhang hangal?
Matatawag ko pa kaya ang buhay na itong marangal?

Hindi ko naman talaga  ganoon kaalaman kung bakit pa ito pinipilit,
Kung obvious namang ang dadalhin nito puros pasakit!
Paghahanda daw ito sa mundong napaka lupit,
Upang sa dulo'y sa pagsisisi'y hindi sumapit.

*********
Safe Zone o War Zone?
Iyan ang sa akin ay isa pang pinapipili.
Kung sa akin lang ay lumaban at mahirapan ay kagustuhang hindi kinukubli,
Ngunit bakit ang paligid ko ay humihiyaw na mali ang pinili!
Gusto ko sa mahirap na daan pagkat ito sa tingin ang mas kawili-wili,
Kaysa magpaagos sa payapang batis na walang man lang silbi.

Ngayon ay kailangang manindigan sa aking naging desisyon,
Wala nang magagawa kahit magrally pa ang buong nasyon.
Tutal naman ako'y na pasubo na sa isang mabigat na bokasyon,
Mas mabuti na rin sigurong magpakareyalistiko at umiwas sa mga ilusyon.
Buhay ay maraming pang hatid na pagpipilian at hindi dapat isentro sa pansariling ambisyon,
Lawakan ang pag-iisip maging matapang at ng hindi makulong sa delusyon.

*********
OO na may tango o HINDI na may iling,
Simpleng mga gestures kapag sayo ay may humihiling.
Madaling sabihin at gawin ngunit bakit tila kayhirap panindigan,
Pagkat pagkatapos nito'y panigurado'y magdadala ng kalituhan.

Magpapakatotoo ba sa tunay na nararamdaman?
O pipiliing magmukhang mabuti sa mukha nino man?
Kailangan ko ata ngayon ay isang kilong katapangan,
Upang malunasan ang hirap na nararanasan.
Halika! piliin natin ang pagiging MASAYA!
Kahit pa ang ibig sabihin nito ay ang posibilidad na mawawalan ka ng MAKAKASAMA!


Friday, February 21, 2014

Nalulunod sa mga Salitang Walang Letra (March Emptiness Syndrome)

Hindi ko alam kung normal ba talaga sa tao ang pakiramdam na ito,
Yung tipong hindi ko alam yung gusto kong mangyare at  di ko rin alam kung paano makakaiwas,
Lately eh nagbabayad nanaman ang nalalapit na March Emptimess Syndrome ko.
Ang akala ko noon ay dala lang ng pagiging estudyante yung pagiging malungkutin ko tuwing buwan ng Marso, pero lately eh parang nararamdaman ko nanaman yung syndrome... Hais

JS Promenade:
Akala ko'y babawi sa mga inagaw na pagkakataon ng aking highschool life,
Yun pala'y siya lamang magpapatunay ng krisis sa quarter life.
Masaya dapat ako, yung ang sa isip ko'y tinatak,
Ngunit bakit sa buong gabi'y hindi man lang nagawang humalakhak.

Akala ko'y sa loob lang ng classroom makadarama ng pressure,
Pero bakit ganun? sa lahat ng oras ay kinailangan kong magmukhang treasure?
Hindi pa nakisama ang real-life setting,
Pagkat kinaroroonan ko'y tila sobrang hirap marating.
Dinagdagan pa ng medyo malas na scenarios,
Kung kaya't lalo akong nagkalito-lito

Paggising ko kanina ay akala ko'y tumama,
Ngunit ng mahimasmasan ay nakitang ang naging desisyon pala'y kay sama.
Muntik nang isumpa ang naging karanasan,
Pagkat kasiyaha'y lubhang kulang, at sa mga kaganapa'y nahuli,
Gabi ng panghihinayang sadyang puno ng pagsisisi.

Bakit kaya ganon? Ang akala ko ba'y ang HAPPINESS ay wala key?
Pero bakit ang nakaharang sakin ay pintuang kay LAKI!?
Hmp...