Monday, December 30, 2013

Pampabawi ng Taong 2013

“Narito pa rin, patuloy na lumalakad sa isang kalsadang hindi ko naman talaga alam kung bakit ko pa tinatahak.”

I.Pagbubukas at Pagsasara
                Marami ang natuwa sa kabanatang ito ng aking taon. Maraming nagsasabing maswerte daw ako at kumpara sa iba ay mas naging konbinyente sa akin ang malubak at malayong kalyeng aking nasuotan. MAGPATULOY… ito ang salitang binalot ko sa kabuuan ng aking isipan upang hindi lukubin ng katotohanang nililigaw ko lamang ang aking atensyon upang pagtakban ang aking mga naging kahinaan sa mga nagdaang panahon. Pilit na umuusad sa kung saan mang direksyon ako dadalhin, ayoko munang humawak ng manubela… gusto ko lang hayaan munang maglakad ng maglakad hanggang sa makakita ng isang pasilyong magbibigay sakin ng rason upang lumiko at magiba ng direksyon.

II.Hilig at Pangangailangan
                Maraming nag-aakalang ang tagumpay ay ang pagkamit ng mga bagay na hindi lahat ng tao ay nakagagawa, marahil nga’y matagumpay ka sa mga mata ng mga taong nilunod na ng ilsuyon at ideyalismong kanilang binuo sa mga isipang ng may ilang dekada na. Hindi ko alam na ang pinakamahirap palang tukuyin ang yung mga bagay na dapat sanay matagal ko ng nakabisa. Sino ba talaga ako? Anu-ano ang mga bagay na aking gusto? Saan ako patutungo?
                Akala ko’y nabubura ng pag-unlad ang mga markang inuukit ng aking mga takot at agam-agam. Inisip kong ang paghawak sa saliw ng musika na hinihimig ng karamihan ay magpapagaan at unti unting magbibigay sakin ng matinong direksyon patungo sa isang sangtuwaryong magpapakita sakin ng kapayapaan at kalahatan ng aking inaasam na buhay.

III.DESTINED TO MAKE A DIFFERENCE
                It seems to me that I was born for a certain purpose that I must discover soon. I had lived my life trying to pursue things that are righteous and acceptable in the eyes of everyone. I’m jailed in always proving my abilities and even myself; (just like now, by trying to write in this language just to convince myself that I could still express myself much better to those people around me.)
                It’s quite ironic how life somehow tricked me lately, I aimed to be a part of a working environment that was progressive and competent… but here I am now, in a field were competence was the last priority, where most of the people neglect the thing that I tried to be the best in all my life, a place which reflects the difference between my ideals and realities, a battlefield which I don’t really know if it’s worth fighting for at all.
                Despite my struggles lately I still choose to keep moving, trying to think and create a vision that everything will be in accordance with my ideals soon. One good thing probably that I had upon being this field is the bunch of people that I met in the circle, people that shown me the reciprocated manner of life that I plan to do and beauty that I didn't tried to notice all my life. Yes, it was like I’m taking a drug that brings me to amnesia every time I enter the circle; I suddenly forget being me, forget the goals that I tried to create, forget the things that I wanted  to achieve and forget the system where I wanted to fit in. I don’t know if this would a dead-end soon but I just hope that this would be a good trail for spelunking soon. (For the entirety of it really depends on me J)

IV.HEALTH AND WEALTH
                Noong mga nakalipas na araw, sobrang di ko talaga maipaliwanag yung pagsama ng pakiramdam ko. Naisip ko tuloy ba baka nakikisimpatya lang yung mga body cells ko sa pagkalito ko kung Masaya ba ko hindi sa mg bagay na ginagawa ko. Mahirap din palang magkasakit ng may pera kang pinanghahawakan; feeling ko kasi ay nakakadagdag ng paranoia ang pagkakaroon ng pera kapag may sakit ka. Yung tipong gusto mo lagging magpacheck-up sa doctor at bumili ng bumili ng mga gamut na pede mong laklakin para lang bu muti yung pakiramdam mo. Nakakadepress lang isipin pag ok na yung pakiramdam mo na parang naisahan ka ng mga doctor nung mga times na may sakit ka, yung para kang nahohold-up ng 300-400 pesos para lang sa ilang minutong kumustahan at interview. Kung nagkaroon lang kasi sana ko ng chance para makapagtake ng medicine eh, edi sana ako na yung nanghohold-up ngayon sa mga pasyente ko hahaha.

V. GROWING UP DOESN’T ENSURES MATURITY
                Malaking difference lately yung napansin ko sa mga naging approach ko sa buhay kumpara sa mga taong nakapaligid sakin. Hindi ko alam kung sa edad ba naming yung diperensya kung kaya’t ibang yung mga visions ko kumpara sa kanila. Gusto kung rin minsang mag-isip sa level ng pagiisip nila yung tipong matured, reliable at confident. Pakiramdam ko kasi ay ito yung mga traits na required sa bokasyon na meron ako sa ngayon, yun nga lang ala palang tindahan yung makakapagpautang sakin ng tingi-tinging maturity.
                Hindi ko alam kung naihanda ba ko ng ilang taon kong pag-aaral sa pagbibigay at pagbuo ng mga desisyong makakaapekto sa mga taong umaasa sakin. Hindi ko rin naman kasi gusto yung pakiramdam na para bang lagi silang may inaasahan sakin, yung parang pag nakikita kanila at may obligasyon ka sa kanila. Makakatakot… natatakot akong magkamali dahil paniguradong hindi lang ako ang maapektuhan ng mga pagkakamaling aking magagawa.

VI.AHA MOMENTS
                Parang minulat ako ng taon na ito sa isang mundo hindi ko kalian man napagtuonan ng pansin. Di ko inakalang magbabyahe nga ako ng araw-araw ng ilang kilometro para lamang gumanap sa isang bokasyon minsan ko nang sinubok na kalimutan; Tinuruan ako ng taon na ito na sumakay sa mga pampasaherong transprotasyong punong-puno ng inconvenience (siksikan, init, hassles); Nagbalangkas ang taon na ito ng isang bagong living routine para sa akin (bagong oras ng tulog at gising at bagong mga priorities); Binigyan ako ng taon na ito ng mga bagong iisipin at poproblemahin bukod sa pag-aantay kung kelan ako tutubuan at mawawalan ng tigyawat sa mukha; Bumuo ang taon na ito ng mga bagong listahan ng mga bagay na gusto kong magkaroon at makuha; Pinakilala ako ng taon na ito sa isang mundo kinapapalooban ng mga taong hindi ko lang sa screen ng netbook makikita(isang mundong nagparealize sakin na masyadong malayo ang tanaw ko ukol sa tunay na buhay);Pinilit ako ng taon na itong gumawa ng mga bagay na beyond sa mga bagay na akala ko ay di ko kayang gawin; Binuksan ng taon na ito ang mga pagkakataong makabuo ako ng pagbabago at sumubok ng mga bagay na maaaring makagawa ng mga pagbabago… At higit sa lahat ay pinaalala sa akin ng taon na ito na isa pala kong TAO…  Isang humihinga at nag-iisip na TAO.

VII. TRASHES
-Mahirap mag-antay ng jeep na may rutang “Fortune Market” sa Mc Arthur Highway.
-Mahal ang special trip ng tricycle kahit pa walking distance lang yung bababaan mo.
-Mahirap gumawa ng forms (ito talaga ang pinakawater loo ko).
-Wala kang karapatang mamili ng jeep kapag byaheng bignay ka (kahit pa yung jeep eh abot na sa ulo mo yung bubong dahil sa baba).
-Necessity ang pagkakaroon ng matibay na paa sa bignay (hindi uso yung maiklang lakad pag nasa Bignay ka).
-Hanggang 8pm lang yung transport system sa Bignay (kaya kailangan eh matapos mo na lahat ng gala mo befor 8pm).
- Pay Day ang pinakamasayang araw sa loob ng isang buwan, at yung week before the Pay Day ang pinakataghirap na petsa para sa karamihan(Ito rin yung season ng mga pangungutang).
-Marami kang mabibili sa loob ng Faculty Room daig pa yung SM supermalls.
-Mahirap maningil ng kahit ano sa mga katrabaho mo, kaya siguraduhing maniningil ka kapg Pay Day o di kaya naman ay tuwing may bonus kayong natanggap.




  

Friday, June 7, 2013

Ng Muli Akong Magpasyang Magpatubong Muli Ng Tigyawat sa Malawak Kong Pisngi (1)

ISANG HAKBANG PASULONG, DALAWANG HAKBANG NG PAG-AALINLANGAN

Matapos akong iduyan sa kaginhawahan ng ilusyon na buhay na tatlong taon kong pinagtaguan, naranasan kong muling mapagod ng todo-todo na halos gumapang na ako sa higaan ko para lang matulog. June 3, isang simpleng araw sa marami, pero para sakin ay ito ang araw na sumampal sa malapad kong mukha upang gisingin ako sa tunay na proseso ng reyalidad.

First everything, ito nalang ang lagi kong pambungad para sa araw na ito. Hindi ko alam kung anung aasahan ko, at ayaw ko ng isipin ang mga pedeng mangyari. Ang araw na ito ay nangunguhulugan ding buong araw akong di pedeng ngumiti, Sa kung anu mang dahilan ay yung na yata yung major requirements para sa araw na ito. Lahat ng klase ng pagod ay naranasan ko sa araw na ito., literal na mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung anu yung mararamdaman ko nung araw na yon pero buhay parin naman ako sa ngayon kaya OK lang naman siguro yung stress na sagad sa buto na dala ng araw na yon.

SUMAKIT YUNG LALAMUNAN KO, HALOS MAPUTOL ANG MGA PAA KO, PARANG PINIGA NG HUSTO YUNG UTAK KO HANGGANG SA KAHULI-HIULIHANG NEURON AT HIGIT SA LAHAT AY HALOS MAUBOS ANG LAHAT NG FLUID KO SA KATAWAN! yang na siguro ang the best na definiton ng petsang June 3, 2013.

Panghihinayang...

Matapos kong icondition ang sarili ko at piliting maka-adapt sa environment na meron ako sa loob ng ilang araw, heto't tila binuhusan ako ng isang timbang pang-aasar ng tadhana.

"Hello ito po ba si Pete Cayzhart?" bungad palang sa telepono ay naexcite na ako.
"Bale taga-valsci po ako sir and gusto ko lang po sanang tanungin kung interesado po ba kayong kunin yung item na meron kami ngayon as Science teacher?" What the Heck!!,, Bakit ngayon pa kung kelan natali na ako sa isang kompromiso?

Nakakainis lang isipin na kung kelan nagpasya kanang magsimulang bumuo ng bagong pagkaka-abalahan ay darating yung bagay na minsan mo nang pinangarap.

Hindi talaga siguro ako pang-ValSci :(

Parang OJT palang eh pinag-kait na sakin maexperience yung gumalaw sa isang school na puno ng mga taong di hamak na milya milya ang galing kumpara sakin; isang lugar na kung saan mararanasan ko yung level ng stress at challenge na di lahat ay nakakaranas.... sayang lang, kasi dun ko dati navisualized yung sarili ko....nakakahinayang lang na may chance sana kaso eh di na pede!,,, parang paborito mong ulam na hinain pagkatapos mong uminom ng isang baso ng tubig, parang libre sakay ng jeep pagkatapos mong magbayad na ng pamasahe... siguro ng di ako para dun... siguro ng ay dito na talaga yung lugar ko sa ngayon.

Monday, May 6, 2013

Ng Muli Akong Magpasyang Magpatubo ng Tigyawat sa Malawak kong Pisngi (Intro)




“Perfect Timing”, ito yung isang bagay na pinang-sanggalan ng aking paniniwala sa mga nakalipas na panahon. Isang paniniwalang tila ba ay nagbigay sakin ng rason na umasa, mag-antay at maging kontento sa kung ano ka sa kasalukuyan. Akala ko eh pang habang-buhay na paniniwala na iyon; Hindi pala.

March 27, 2013, nagising ako  gaya ng dati. Mulat ang mga mata ngunit Malabo ang mga tanaw, humihinga sa di malamang dahilan, lunod sa mga guni-guni at takot na di malaman kung saan. May mga pagkakataon talagang mapapangiti ka nalang sa kung papano parang pinaplano ang mga bagay-bagay. Kagabi, dahil na rin siguro sa sobrang boredom at stagnation, napahiling ako.” Lord please show me a place to fit in naman po”, grabe dala na rin siguro ng holy week eh napapareflect ako bigla. Feeling ko talaga that time eh parang dead end na ng path na pinili kong lakaran. Ang totoo ay di ko rin naman talaga alam that time kung ano ba talaga ang hinihingi ko, isang panandaliang remedy? O pangmatagalang pagkakaabalahan?

Sa sobrang lakas ko kay Lord sa di ko malamang dahilan, ay tila instant yung sagot sa hiling ko. Grabe di man lang halos inabot ng isang araw at presto! May sagot na agad sa akin. Bagamat puno parin ako ng mga agam-agam nung mga pagkakataong iyon, feeling ko ay wala na kong ibang dapat gawin kundi isabuhay yung bagay na binigay sakin. Natakot ako ng sobra; maraming mga bagay  yung naiisip kong parang taliwas sa mga nakasanayan ko na at mga pinaniniwalaan ko, natakot din akong sumubok muli (gumawa ng pagbabago at magkamaling muli). Pero sa pagkakataong iyon ay parang wala na kong karapatang matakot, in short eh naubusan na ko ng life line kaya kasubuuan na to at wala ng urungan bahala na si batman.

Puros OO nalang yung narinig kong sunod na lumabas sa bibig ko, hindi na ko tumaliwas sa kahit anong ideyang sinusubo nila sakin, feeling ko noon ay para kong stunt man na handang tumalon sa building makasama lang sa isang pelikula. Mabilis yung mga pangyayari, parang napaghandaan na nilang lahat yung mga mangyayari at tanging yung pagpayag ko lang yung password na kailangan para magbago yung lahat sa paligid ko.

Muli akong nagpasya na sumaliwa sa mga kagustuhan ko, nagulat nalang ako ng makita ko ang sarili kong nakatapak na sa battle field na ilang taon ko ring iniwasan. Tulad ng dati, ang mundong yon ang punong-puno ng expectations at pressure, feeling ko ay pagtapak ko palang sa lugar na yon ay naging required na agad akong magtransform sa pagiging Mr. Nice Guy, hahaha nakakapanibago. Gaya ng sa lahat ng kwento, di mawawala yung mga negative vibes… bakit sa haba-haba ng pagkakatulog mo ay bakit naisipan mo pang muli na na gumising at sumabak pa sa giyera? Bakit sa tingin mo ay kukuha kami ng sundalong patalim lang ang hawak kung marami naman dyang naka-kalibre kwarenta’y singko? … Isang ngiti lang ang binungad ko sa kanila. Anu pa nga bang ipanlalaban ko sa mga dragon ng battle field na yon na dapat kung amuhin  at pakisamahan?... ala akong maisip nung mga pagkakataong iyong, basta ang alam ko lang ay tiwala ako sa patalim na hawak ko at wala akong pakialam kung ako man ang mauunang casuality sa giyerang papasukan ko kumpara sa mga nakabaril. Hahaha

Ibang-iba yung atmosphere sa battlefield na napuntahan ko, sobrang lapit sa nature. Di ko alam kung  anung aasahan ko dito, hmm kung tutuusin ay minsan ko na rin namang naisip na mamundok at doon gumawa ng mga pagbabago (so eto na kaya yon?). Sobrang iba to sa inaasahan kong mangyayari sa akin. Sa totoo lang kasi ay gusto ko sanang mapabilang sa mas hi-ends na mga battlefields, yung tipong kakailanganing magpabagsag ng sobrang laking robot ng bitbit kong patalim, pakiramdam  ko kasi ay masyado kong magiging kampante sa lugar na hindi ganun kalaki yung demand para sa excellence (haha at lumabas nanaman yung hangin ko sa katawan). Sa tingin ko kasi ay mas ok na mastress sa isang stressful na workplace kesa naman makaramdam ako ng stress sa isang lugar na halos wala  naman talagang conflict (ang totoo ay natatakot lang akong kainin ng boredom at maging pasimuno ng mga conflict para magkatrill naman ang buhay-buhay).

Itutuloy...

Thursday, February 7, 2013

Kudos! Kiddos!


Pangarap at ambisyon…


Marahil kaya marami satin ang ayaw ng lumipas panahon ng kabataan natin ay dahil sa panahon lang na yon tayo nabibigyan ng pagkakataong mangarap ng walang limit at gumawa ng mga planong walang bahid takot at punong-puno ng kompyansa.”The Impossible Dreams” nga sigurong maituturing pero nakakatuwa parin namang balikan ang ilang mga bagay na pinangarap ko (at maging mo na rin marahil) nung kabataan ko/natin…

“Gusto kong makatapos ng pag-aaral”- Isa ito sa mga “must” ng lahat simula pa noon, parang may instant ginhawa kasing kalakip ang makatapos ng pag-aaral base sa kung pano tayo pangaralan ng mga nakakatanda kaya lahat ay may ganitong pangarap.

“Sana may superpowers ako”- Sa kapapanuod ng mga cartoons at anime noon ay lagi kong iniiisp kung possible nga kayang magkapowers din ako? Pano kaya ako magiging mutant man lang para makapasok sa school ni professor X? Sana makasali din ako minsan sa mga torneyo na naglalaban ng powers ang mga kalahok na parang sila Recca, Son Goku at Eugene.

“Gusto ko ng Brick Game, Walk Man at Family computer”-Mahirap kasing mang-uto ng mga kaibigang may kaya para lagi ka nilang palaruin ng mga latest gadget nila nung araw. Tsaka di ka kasi mag-eenjoy talaga sa paglalaro ng hindi naman sayo kasi lagi mong naiisip na baka masira mo yung hininiram mo habang nilalaro mo yun, eh di naman sayo yun kaya kakatakot din minsan lalo na kung mamahalin yung masisira mong laruan.

“Sana may paggawaan kami ng tokens”-Bilang adik nga ako sa mga arcade games noon, lagi kong hinihiling nasa ay di nauubos yun tokens na meron ako para di ko na kailangang galingan sa pagtalo computer controlled players para lang di masayang yung isang token na meron ako.(Di kasi nawawala ang bisa ng isang token hanggat di ka pa na gegame over lalo na kung “marvel vs capcom” ang lalaruin mo haha)

“Sana laging kompleto sa gamit ang lahat ng public school sa Pilipinas”-Bilang produkto ako ng public education since elementary, iyon lagi ang hiling naming kapag may mga activies kaming nagrerequire ng Science laboratory na functional, Computer Room na may gumaganang computers at aircon sa mga panahong halos madehydrate kana sa init sa loob ng room. Para hindi na lang kami lang pinagiimagine ng mga teacher naming na kunwari may ganito, at kunware may ganun.

“Sana may sarili akong T.V”- Noong mga panahon ng kabataan ko, T.V is a must! Hehe, natatanda ko pa noon nung nasa prime time pa yung mga anime na palabas sobrang nakakatulog ako sa sama ng loob dahil di ko mapanuod yung mga cartoons gawa ng isa lang ang T.V namen at hindi iyon ang gustong panuorin ng mga taong nakatatanda sa loob ng bahay namin.
“Sana magsnow naman minsan sa Pilipinas”- Well lahat naman ata ng batang Pilipino ay minsan ng humiling ng ganyan.

“Sana ay tumanda na ako agad”- Ewan ko ba kung bakit, parang mas marami kasing nagagawa kapag matanda kana. Pero kapag tumanda kana ay maiisip mong kabaligtaran pala yon. Haha at magpapasalamat ka nalang na buti nalang ay di ka kaagad tumanda nung mga panahon na yon.

“Gusto kong magkaroon ng Hi-Tech na Science Lab”- Tandang-tanda ko pa noon na isa sa mga unang goal ko sa buhay noon ay ang magkaroon ng Lab na kagaya kay Dexter, yung tipong marami akong maiimbentong bagong gamit at potions. Kala ko kasi noon ay possible yon.

“Sana ay kasali ako sa barkada ng BERKS”- Yun kasi yung uso noon, yung barkadahan nila John Prats ,Heart Evangelista, Camille Prats , Mico Samson etc. Parang ang sarap kasi nung buhay nila eh, nasa iisang subdivision lang tas pagimik-gimik lang hehe.

“Sana kasama ako sa ilang enchanted films nuon”- Uso kasi nuon yun mga fictional na pelikula tulad ng Batang X, Enchanted kingdom etc. kaya lagi kong iniisip kung ano kaya yung feeling na maging bida sa pelikula at maging kapareha ni Anna Larusea at Anne Curtis(pero mga nene pa sila nung time na yon).

PerFICTION!


Why is everybody seems to be so obsess with perfection? Yung tipong mas malakas pa ang loob nilang husgahan yung isang mali mo over the thousands of your righteousness. Hindi ko talaga maintindahan kung anung pumasok sa isip ng mga advertiser ng produktong ito (Nesfruita Fruit drink) kung bakit parang tinolerate nila ang masamang reyalidad pagdating sa ugali ng mga tao. Tama bang sukatin ang galling ng isang tao base sa kawalan nito ng kamalian? Bakit kaya mahirap para sa mga taong makakita ng dungis sa isang malinis na record? Hay buhay nga naman, sadyang mas malakas na hangin ang humahampas sa mas nakakataas na mga puno. Gayunpaman mali bang yumuko at humalik sa putik ang matayog na punong tinamaan ng lintik? Sino bang may mas karapatang magbigay ng kahulugan sa salitang FAILURE? Sila na walang sawang pinagbubuti ang kanilang galling sa panghuhusga at pagpuna ng mga kamalian, o ang mga taong handang tumanggap ng mali dahil mas pinagbubuting muli’t muli ang mga kinagawian nang mga ugali?
 
Sabi nila maswerte daw yung mga taong di ganong madalas magkamali… in short matalino!. Di daw kasi lahat ng tao sa Earth ay nabibigyan ng above average na IQ o di kaya naman ay excellent academic skills. Pero sa tingin ko, it’s di other way around, kung tutuusin kasi ay maraming bagay ang napoprohibit sa isang tao kapag nalink na yung pagkatao niya sa pagiging matatalino. Narito ang ilang dahilan kung bakit lamang ang pagiging di katalinuhan kesa sa mga henyo kuno:
…Mas maraming pagkakataong magexplore ang mga di katalinuhan kung kampara sa mga nabansagang matatalino, may prebelehiyo kasi ang mga di katalinuhang gumawa ng mga mali kahit ilang beses nila gusto kumpara sa matatalinong nakarecord ang bawat kamaliang nagagawa nila.
…Mas matatakutin ang matatalino kesa sa mga hindi, sa dami kasi ng nalalaman nila ay lagi silang aware sa mga masasamang bagay na pedeng mangyare… kaya madalas na praning ang mga matatalino.
…Di lahat ng tao ay nakakaunawa sa matatalino kumpara sa mga di ganong marunong, syempre dahil nga sa kakaibang taas ng mga IQ nila, ilan lang yung nakakalevel sa mga ideas na meron sila.
…Di daw magaling sa aspetong buhay-buhay ang matatalino, marami kasi silang idealisms at do’s and don’ts kaya di nila naeenjoy ang buhay.
…May mas malaking impact ang pagkakamali ng matatalino kaysa sa mga di katalinuhan, imbes kasi na ikaw lang ang maapektuhan sa pagkakamali na nagawa mo ay nakikiisa a ang buong mundo sa pagpuna ng mga kamalian mo kapag matalino ka. Di gaya ng sa mga di katalinuhan na understandable ang bawat pagkakamali.
…Kada may di alam ang mga tao sa paligid mo, sayo kaagad binabaling ang lahat ng di nila kayang sagutin, as if wala kang karapatang magkaroon ng waterloo sa buhay.
…Malas din daw sa love life ang matatalino (sa kung ano man ang dahilan ay di ko talaga alam).

Monday, January 21, 2013

1000th Day of Uncertainty, Detour sa ValSci





Kilala mo ba si Mitsuwi?, Sya yung isa sa mga naging kalaban ni Eugene sa Ghost Figther. Sya yung may Pitong katauhan kuno, ang galling diba? Tinalo na yung mga bi-polar sa pagiging abnormal. Minsan naisip kong masarap sigurong mabuhay kung meron din akong iba pang katauhan, yung tipong kapag burned-out ka na sa buhay mo eh isang pitik lang ay pede ka ng magpasubstitute sa isa pang katauhan mo para makapagrefresh naman yun iba mo pang katauhan, ang astig nun diba!?

KOOOOOTIIIIIIILAAAAAAAOOOOOK... gaya ng dati ay ginising nanaman ako ng sampal ng mainit na sinag na araw na pumapasok sa higaan ko, siguro ay nasa lagpas alas otso na, naririrnig ko na kasi yung theme song ng Kris TV eh. Gaya ng dati sisimulan ko ang araw sa pagmumuni-muni, iisipin kung anong pedeng gawin para sa araw na yon; iisipin kung may pagbabago pa nga bang darating. Haharap sa isang hapag-kainang puno ng mga makakain na wari ba’y lalong nagpapaguilty sayo. Tila ba’y sa bawat subo mo’y nagwewelga yung mga pagkain sa pinggan mo dahil sa hindi mo naman daw sila deserve kainin.

Bumibilang ng ilang araw bago ako sumakay muli ng jeep o di kaya nama’y bus; puros pedicab at tricycle lang kasi ang nagsasakay sa lahat ng klase ng tao simula sa mga professionals hanggang sa pinakababa.Maraming realization ang dinadala ng pagsakay ng bus o di kaya naman ay jeep, andyang maiisip mo yung pede mong gawin sa future o di kaya nama’y yung mga dating experiences mo habang tinatahak ang kahabaan ng McArthur Highway. Sa ganitong mga pagkakataon ay parang may ok pang magka-amnesia habang nagrereminisce, di mo kasi maiiwasan ang ilang bakas ng reyalidad na nakakalat sa kalsada. Mga reyalidad na maaring makapagpaalala sayo ng mga dati mong pangarap, estado mo sa kasalukuyang karera ng buhay o di kaya naman ay mga endless possibilities tulad nga ng sabi nila.

Sa bilis ng takbo ng oras sa loob ng isang araw, ikaw mismo ay mahihirapang gumawa ng konkretong plano para gugulin ang bawat segundo sa loob ng isang araw sa pinakaproduktibong paraan. Parang kada kurap kasi ng mga mata natin ay may mga bagay na nababago at sa bawat kurap natin ay mga ilang segundo na agad ang nakawala sa ating mga kamalayan. Mahirap talaga ang makipagpagalingan sa panahon, gaya ng hirap sa pakikipabuno sa pagbabago.

Gabi nanaman, isang rason para malungkot ang karamihan sa atin; yung tipong lagi kang mapapatanong kapag nakita mong lulubog na ulit yung araw … Isang araw nanaman pala yung lumipas anu bang nagawa ko ngayong araw? Sa sobrang hirap ng pagjajustify ng silbi mo sa mundo nung araw na yon ay di mo mamamalayang nakaubos ka nanaman ng isa pang araw sa pag-iisip. Ito na marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming may insomnia, maraming tambay sa gabi at kung bakit malakas parin ang sales ng mga anti-depresant at mga sleeping piles.

                                                XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Ilan lang to sa mga eksena nung mga pagkakataong
nagoobserve kami sa Valsci.
DATE: January 17, 2013 
LOCATION: Valenzuela City Science Highschool
TIME: 10:00 am

Pumunta ako kanina sa Valenzuela City Science Highschool, after quite some times nakahanap na naman ako ng rason para magkasilbi sa mundong ibabaw. Inayos ko kasi yung application process ng pinsan ko para sa entarance exam ng Valsci. Nakakatuwa lang nung naglalakad ako sa kalsada ng Bernabe papuntang eskwelahan; feeling ko college ako ulit; feeling ko ay magoobserve lang ulit ako sa Valsci haha. Pagpasok sa gate gaya ng dati eh mababait parin yung mga guards nila, todo assists parin as usual hehe, iniikot ko yung tingin ko sa buong school… INHALE… EXHALE nakakamiss din pala yung atmosphere ng stressfulful environment. Nakakamiss yung amoy sa skol, yung amoy ng pentel, ng plastic cover,ng mga estudyante at nung patisan sa tabi ng school ng Valsci haha. Siguro kung di lang ako naging pasaway ay sa ganung environment umikot yung buhay ko hanggang sa ngayon hehe. Dumiretso kami sa registrar, for some reason eh parang at home yung feeling sa school di gaya ng dati na halos matrauma ko sa pagpasok dun siguro a part of me just miss  it(pero small part lang yung mga kamalayan ko, yung tipong micro particle lang haha ).

Nakakatuwa rin makita ulit yung ilang pamilyar na mukha lalo na kapag narerecognized ka pa nila; yung mga dating proffesors mo, collegues at mga kaibigan.May ibang dating talaga yung pagpunta ko sa Valsci kanina, weird yung feeling na after ilang years ay mababalikan mo yung mga bagay na pinilit mong iwasan. Syempre sinulit ko na yung pagpunta ko dun, siniguradong kong mapupuntahan ko yung mga dating spot na pinupuntahan namin dun yung lab, clinic, canteen at guard house. Maraming realizations ang binigay sakin nung ilang oras na pagdaan ko sa Valsci, parang nagtime travel lang ako sa dating routines ko, yung dating pagkatao ko at yung present status ng buhay ko.
Ganito siguro ang datingan ko ngayon
 kung natuloy ako sa pagtuturo.
Starring Goivanie Dacasin

Naisip ko tuloy na baka nga totoo yung kasabihang minsang naishare sakin nung highschool teacher ko na…”Kadalasan sa sentro ng malakas na bagyo natin natatagpuan ang katahimikan at kapayapaan.”

Wanna Grow Old With You (Lola Sambu's Chronicle)




Minsa’y may isang magkasintahang kayumanggi’t naiiba.

May natatanging istorya ng pagsusumpaa’t pag-iisa.
Natatanging pag-ibig na kung hamak-hamakin ng iba,

Pag-ibig na ubod lang ng simple at puno ng saya.
Na walang anuman ang makapahihiwalay; ang minsa’y naging sumpaan nila.
Wala mang makain at luho na gaya ng sa iba.
Mang at Manang  ang naging bansag sa kanila;
At sa tanda ng pag-ibig tila ba ito ay nawalan na ng halaga.
Sa paglipas ng panahon at ang buong paligid ay lahat ng naiba.
Paglipas ng sinumpaan ay walang-wala sa kanila.
Ng minsan kong tanungin kung sila pa ba ay masaya?
Minsang ginhawa at tila puros hirap na dinaranas ng buhay nila.
Ginhawang pangarap ng marami sa atin tila ba wala na sa kanila
Pangarap lamang ay maging laging magkasama at masaya.
Lamang ang karamihan sa mga kaedaran nila kapag itinabi sa dalawa.
Ang tanging pakunswelo ay ang tunay na ligaya na nadarama nila.

Tanging bagay na pinahahalagahan nila ay aking kinamanghaan;
Bagay na tila ba di kailan man napapansin man lang.
Na mabuhay ng kontento, simple at masaya!
Mabuhay ng ilang dekada basta laging magkasama sila.
Ng walang ibang iniisip kundi ang sariling ligaya at hindi ang sinasabi ng iba.

Thursday, January 10, 2013

Brace Yourself Madam Auring!

Paunawa: Hindi po ako ang nilalang na nasa litratong ito.

Bilang uso naman ang mga prediksyon tuwing simula ng taon, at dati rin naman akong nahilig kay Nostradamus. Gumawa rin ako ng mga hulang sa tingin ko’y magaganap ngayon 2013:

1. Sa dami ng bagyo nung 2012, mukhang tagtuyot naman ang mararanasan natin pagkatapos ng first quarter ng taon.
2. Ilan lang ang mga bagong mukha na mananalo sa eleksyon,aminin man natin o sa hindi eh bulag parin ang mga Pilipino sa wastong pagboto; Magiging maingay ang eleksyon sa Maynila maraming lalabas na baho at isyu ng katiwalian bago mageleksyon.
3. Gustuhin ko man sanang mamatay na si Gloria eh mukhang matatahimik ang buhay nya this year(busy kasi ang lahat sa eleksyon), mukhang mananalo parin sya sampu ng kanyang mga korakot na angkan.
4. May mabubuntis na batang artista! (Taon-taon naman nangyayare yun diba?)
5. Minsan ko ng napanaginipan na magluluksa ang “Eat Bulaga” kung bakit at kung dahil kanino? Di ko pa alam.
6. Maghihiwalay na sila Marian Rivera at Dingdong Dantes!, bilang di naman nila ko fan.
7. Di na papatok ang show na WoWoWillie, masyado kasing ambisyosong tumapat sa noontime slot.
8. Muling sisikat yung mga pinoy superheroes, bilang mukhang yon ang theme ng lahat ng station this year.
9. Mananalo ang Rain or Shine sa PBA Finals, sobrang swerte naman kasi ni Coach Norman Black kung pati sa PBA eh mananalo pa yun team nya.
10. May mateteging matandang artista, malamang ay sa mga initials na G,E,A,B at R.
11. May mambobomba nanaman sa USA, bilang mga biyolente na yung mga tao dun ngayon.
12. Mas magiging ok ang takbo ng gobyerno; aminin man natin o sa hindi eh unti-unti na nating nakikita yung bunga ng matuwid na daan ni Pres. Aquino.
13. Speaking of Aquino, magkakajowa na ulit si Kris Aquino! Kung magtatagal? Di ko alam.
14.Magkakabalikan sila Vicky Belo at Hayden Kho( though wala ng may pakialam sa love life nila).
15. Magkakapera tayo! Kapag nagsipag tayo sa pagtatrabaho; Dadami ang pera natin! Kung mag-iipon tayo at Magiging Masaya ang buong taon na ito! Kung di tayo papatalo sa lungkot.


                                                 XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXO

"AHA" MOMENTS OF 2012


“AHA” : Isang ekspresyon na indikasyon ng pagkakadiskubre ng isang bagay. Isang uri din ng paraan ng pagkatuto para sa mga taong nag-aaral ng edukasyon (AHA Learning).
Parte na siguro ng buhay ang pagkatuto kahit pa sa paglabas natin sa ating kani-kaniyang mga silid aralan. Sabi nga nila diba, dalawang magkasalungat na subject ang pag-aaral at ang tunay na buhay. Sa pag-aaral kasi ay nasanay na tayong binibigay muna ang mga lesson bago ang mga test/examination; samantalang sa buhay naman ay nauuna muna tayong makaranas ng mga test(sa porma ng pagsubok) bago natin maunawaan ang mga aral na kalakip nito. Nuong nakaraan 2012 may ilang mga AHA moments din akong naranasan sa kabuuan ng taong iyon.

…Mahirap ipunin ang mga bagay o tao pagkalabas nito ng paaralan. Kung tutuusin kasi ay kahit iisa lang ang dating mga aktibidad ng mga tao/bagay na ito sa loob ng paaralan ay parang may automatic reset na ang lahat pagtungtong ng lahat ng mga ito patungo sa labas ng paaralan.
… Hindi totoong mahirap humanap ng trabaho, mapili lang talaga ang mga naghahanap ng trabaho. Haha ayaw ko mang aminin eh based on personal experience ang AHA moments na ito.
…Kahit ang mga waterproof na bagay ay sumusuko rin sa matinding pagkakabasa. Ikaw ba naman kasi ang bisitahin ng baha ng halos buong linggo, kung di ka pa mapasumuko ng matinding kabasaan.
…Kapag matanda kana, laging maghanda ng sagot sa tanung na ito kapag may mga gatherings: Ano/Saan ka nagtatrabaho?... kung walang kang maisasagot, mabuting magpractice ka nalang ng poker face na ngiti para matapos na lang ang usapan.
…Walang bagay na hindi nakakasawa, kahit gano mo pa kagusto ang mga bagay sa paligid mo ay darating din ang panahon na mauumay ka sa mga ito.
…”No man can live alone.” Kailangan talaga ng kahit sino ang group of friends, mahirap kasi magcelebrate ng mga milestone mo sa buhay kung mag-isa ka lang.P.S mahirap din lalong manuod ng pelikula ni Vice Ganda ng mag-isa kalang.
…Hindi nakakabuti sa kalusugan ang pakikibalita, dapat laging siguraduhin mong wala kang bahid ng insecurities sa katawan kapag nakikibalita ka dahil kung hindi eh depression ang malamang na abutin mo.
…Kumokonti ang numero sa kalendaryo kapag hindi ka lumalabas ng bahay,lalo na kung nakabuo ka na ng sarili mong routine para sa dalawangpu’t apat na oras mo kada araw.
…Di totoo na end of the world na ang 12-21-12. (malamang nababasa mo pa nga yung blog ko eh.)
…Kapag tumatanda na ang mga tao eh mas tumataas na yung level para maging happy sila. Kung minsan di na tumatalab ang chocolate para pasayahin ka.
…Never nakokontento ang tao, kahit ganu pa karaming bagay ang ibagay mo sa kanila, maghahangad at maghahangad parin sila ng iba pa.
…Mahirap mahanapin kung anu talaga ang gusto mo, minsan nga naiisip kong wala naman talaga tayong konkretong gusto sa buhay, ginugusto lang natin ang karamihan sa mga pangarap natin dahil yun na yung stereotype na pangarap ng karamihan.(Natural kasi satin ang hilig sa kung anung uso)

…Kapag  masaya ka, tumawa kalang. Wag kang lilingon pa sa iba kapag masaya ka, dahil nakakabawas ng happiness ang thoughts ng ibang tao.
…And lastly; Mas mabuti sigurong mabuhay na parang bulag,pipe at binge, para mas maappreciate natin kung ano yung mga meron tayo, mas maramdaman natin yung mga tunay na nasaloob natin, maiwasan nating maanod ng idealism ng iba at higit sa lahat eh maiwasan nating makapagbitiwan ng mga salitang makakasakit ng iba na madalas nating pinagsisisihan sa tuwing matatapos na ang taon.

                                                       ************************